"Mukhang nasa good mood ang pinsan ko ah?" Nanunuksong sambit ng pinsang niyang si Fabian kaya naman pinukulan niya ito ng masamang tingin. "Huwag ka nang magkaila pa, halata ang kinang sa mga mata mo." Dagdag nito.
"Ewan ko sayo!" Sambit niya. "Makinig ka na lang sa speaker." Dagdag niya, nasa kalagitnaan sila ng seminar sa Batangas, ito ang pangalawang araw nila dito, at bukas ito matatapos.
"Same goes to you, Claire." Nakangising sambit ng pinsan. "Minu-minuto ay may katext ka, I don't know kung nakikinig ka nga ba sa sinasabi ng speaker."
"I may look like not listening pero nakikinig din naman ako." Sagot niya dito. Nang umilaw ang screen ng phone niya ay agad niya itong kinuha pero agad din itong hinablot ni Fabian mula sa kanya. "Fabian!" May diing sambit niya sa ngalan nito.
"Mukhang tama nga ang mga balita tungkol sa inyo." Umiiling na sambit nito at ibinalik sa kanya ang phone. "Tuloy na tuloy na nga ang kasal niyo."
"That depends..." Mapait na napangiti siya.
"What do you mean?" Kunot-noong tanong ng pinsan.
"May pagkachismoso ka pala ngayon ko lang nalaman." Umiiling na sambit niya sa pinsan.
"I'm just curious." Sagot ni Fabian.
"Ewan ko sayo!" Sambit niya. "Makinig ka na lang sa sinasabi nila." Dagdag niya at nireply'an ang mensahe ni Phil.
"Hindi pa tapos ang pag-uusap na ito, Claire." Seryosong sambit ni Fabian na ipinagtaka niya, bakit bigla yata itong naging interesado sa kung anong meron sila ni Phil.
True to his words, talagang hindi siya tinantanan ng pinsan nang nagkaroon sila ng 15-minutes break.
"Bakit ka ba kasi sobrang interesado kung anong ganap sa amin ni Phil?" Seryosong tanong niya dito, kanina pa siya nito paulit-ulit na kinukulit.
"Hindi na importante 'yun, Claire." Sagot nito. "Sagutin mo na lang ang tanong ko, bakit ganoon na lang ang tinuran mo nang banggitin kong tuloy na tuloy ang kasal niyo."
"Kasi nga hindi niya ako mahal!" Agad na sagot niya. "Masaya ka na? Nasagot ko na ang tanong mo!"
"Pero mahal mo siya?" Balewalang tanong ng pinsan.
"Sobra! Sobra-sobra pa sa pagmamahal na iginawad ko noon sa taong hindi naman pala karapat-dapat." Naluluhang sagot niya.
"Gusto mo bang matuloy ang kasal niyo?" Tanong ng pinsan.
"Matutuloy lang ang kasal kung pareho kami ng nararamdaman." Mapait siyang napangiti at tuluyang iniwan ang pinsan. Dumiretso siya sa ladies room para mag-ayos ng sarili nang maramdamang nagva-vibrate ang cellphone niya.
"Napatawag ka, Phil?" Bungad niya dito.
"Ayos ka lang ba? Nag-alala ako nang hindi ka na nagreply sa mga mensahe ko." Sagot nito sa kabilang linya. Ramdam na ramdam niya ang pag-aalala sa tinig ng binata.
"Sorry 'bout that, may mga nakausap kasi akong mga guests dito." Pagsisinungaling niya. "Ikaw? Kumusta ka na diyan?" Tanong niya dito.
"Maayos na ako dahil narinig ko muli ang boses mo." Sagot nito dahilan para mapangiti siya ng mapait. Kung sana'y may katuturan lahat ng iyong sinasabi, Phil.
"Pilosopo ka talaga." Sambit niya.
"Anyways, I'm waiting for your return." Seryosong sambit nito. "May sasabihin ako sayong napakaimportante." Dagdag nito na nagpakaba sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE 4: PHIL COLLEN MONTEVERDE
RomancePhil Collen Monteverde, the owner of the Newly Trend Magazine that is well-known all throughout the globe. At sa edad na 28 ay wala pa din siyang balak magsettle down dahil sa kadahilanang hindi niya pa nahahanap ang tamang babae para sa kanya. Kaya...