Chapter 12

5.3K 111 3
                                    

KANINA pa tinatanong ni Claire ang ina kung saan sila pupunta pero hindi siya nito sinasagot, ang kataka-taka pa ay ang suot ng ina.

"Okay, kung hindi mo sasabihin kung saan tayo pupunta, mind telling me kung saan ang party?" Kunot-noong tanong niya habang tinitingnan ang suot ng ina. "Hindi man lang ba tayo uuwi? Para naman makapagshower at makapag-ayos naman ako. Nakakahiya naman sa host ng party na pupuntahan natin kung ganito ang istura ko."

"Don't worry about it, hija. May room naman na nakaprepare para makapag-ayos ka." Nakangiting sagot ng ina.

"Nakakabigla ka naman kasi, ma. Susunduin mo ako na ganyan ang outfit mo." Sambit niya. "Why do I have a bad feeling about this."

"Ano ka ba naman, hija! Chill ka lang." Tumatawang sagot ng ina. "Dapat kasi next week pa ang family pictorial natin, but due to unexpected circumstances ginawang ngayon na lang." Paliwanang nito.

"Family pictorial? Bakit ngayon ko lang narinig 'yan?" Kunot-noong tanong niya.

"Kasi nga dapat ngayon namin sasabihin sayo ng daddy mo, ang kaso next week na din magma-migrate sa California ang pamilya ng tito Jules mo, kaya ginawang ngayon na. Ngayong araw na 'to lang kasi available ang photographer, mabuti nga at nagkataon na day-off niya ngayon."

"Di na kayo naawa sa photographer, day-off pa man din niya ngayon." Umiiling na sambit niya.

"Ano ka ba, ngayon gabi lang naman kailangan ang service niya." Sagot ng ina.

Huminto ang sasakyan nila sa entrance ng Paradise Hotel, kung hindi siya nagkakamali, pagmamay-ari ng naturang hotel na 'to ni Joshua Levine, isa sa mga kaibigan ni Phil. Pagkababa nila ay hinila siya ng ina papuntang elevator na para bang may hinahabol.

"Ma, kung makahila ka naman wagas." Reklamo niya.

"Excited lang ako, hija, pasensya ka na." Natatawang sambit ng ina.

"Si dad pala?" Tanong niya

"Kasama niya ang mga Tito mo." Agad na sagot ng ina, at walang sabing hinila ulit siya palabas ng magbukas ang elevator, hindi na siya umungal at pinabayaan na lang ina. "We're here." Masayang sambit ng ina nang binuksan ang pinto ng isang silid. She expected to see her relatives pero mga unfamiliar faces naman ang nakita niya.

"Ma, I think, you opened the wrong door." Sambit niya sa ina.

"No, I didn't." Sagot ng ina.

"Hello Ma'am Claire, kami po ang mag-aayos sayo ngayon." Nakangiting sambit ng isang babae. "By the way, I'm Kyla and this is my team." Isa-isa nitong ipinakilala ang mga kasamahan niya at puros tango lang ang ginawa ng dalaga.

"Magshower ka na dali." Sambit ng ina sa kanya at itinulak pa siya papuntang banyo. "The pictorial will be at 7 PM, and it's already pass 6, so make it quick!" Sambit ng ina. Wala na siyang nagawa kundi sundin ang iniuutos nito. Pagpasok naman sa banyo ay may nakaprepare na na robe at towel, pati ang brand ng soap and shampoo and conditioner niya ay andoon din kaya napailing na lang siya, it must be here mother. Alam kasi ng mama niya na hindi kasi siya gumagamit ng kahit na anong brand ng soap and shampoo and conditioner maliban sa nakasanayan niya.

"Ma, are this undergarments mine?" Kunot noong tanong niya sa ina nang mapansing ang mga ito.

"Yes, hija. Don't worry, those are new and I washed them for you already." Sagot ng ina na ikinailing na lang niya. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon at nagshower nang mabilisan dahil aayusan pa siya and at exactly 7 PM ay mag-uumpisa na ang pictorial nila, knowing her family dapat ay on time lahat, kung sinabing 7 PM ay talagang 7 PM mag-uumpisa. Nang matapos siya sa banyo ay lumabas na siya, at sa pamumuno ni Kyla ay inumpisahan na siyang inayusan, from drying her hair hanggang sa make-up.

THE BILLIONAIRE 4: PHIL COLLEN MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon