Chapter 4

5.6K 137 5
                                    

"What is the meaning of this, Claire?" Seryosong tanong ng ama ni Claire habang at iniabot ang cellphone, ang tinutukoy nito ay ang nagviral na video nila ni Charlene.

"Dad—"

"Bakit hindi mo sinabi na may nangyaring ganito sa center?" Seryoso pa ding tanong ng ama niya.

"Wala po sana akong balak ipaalam sa inyo, dad. Dahil siguradong magwoworry lang kayo." Sagot niya, wala talaga siyang balak ipaalam sa ama nag nangyari kaya kinausap niya ang mga tauhan nila doon na huwag sabihin sa ama at kalimutan na may nangyaring ganoon. "But don't worry about the center, hindi naman nakaapekto ang nangyari, full-packed pa din sa lahat ng branch."

"That is not what I'm concerned about!" Sambit ng ama. "I don't care about the review center!" Dagdag ng ama na ikinagulat niya, she know how his father value the center, after his father passed the board exam, nagtrabaho ito sa hospital na pagmamay-ari ng pamilya for 2 years, at dahil sa nagkukulang din ang mga review center ay naisipan niyang magpatayo. Sa review center nito ibinuhos ang buong buhay niya, dahil sa kagustuhan nitong makatulong sa mga nagpupursiging maging pharmacist. Kaya nang sabihin iyon ng ama ay hindi niya mapigilang magtaka. "Hindi ko matanggap ang mga pinagsasabi ng babaeng 'yun tungkol sayo! At ang ginawa niyang pananakit sayo!" Sambit nito na para bang nabasa nito ang nasa isipan niya.

"It's okay, dad. I'm fine." Kalmadong sagot niya. "Dumating din naman po si Phil bago pa kung ano-ano na naman ang sasabihin ni Charlene." Dagdag niya. "At hindi naman na po siya manggugulo pa."

"I will not settle for that, hija!" Madiin na sambit ng ama.

"Dad!" Sita niya dito, kahit hindi man sabihin ng ama ay alam niyang may pinaplano na ito. "Don't ever do it. Hayaan na lang natin siya, hindi ba't lumaki ako na ang turo niyo ni mommy ay huwag mang-apak ng tao kahit na ano man ang nagawa nito sa atin?" Tanong niya. "Kaya nga ho kinontrol ko na ang sarili ko at that time." Sambit niya. Napabuntong hininga na lang ang ama. "Anyways, maganda pa din naman ang feedback sa center natin. Walang nagbago."

"That's good to hear!" Sambit ng ama. "Pero kung nanggulo pa ulit ang Charlene na 'yan, hindi na ako magdadalawang isip na..."

"Dad!" Sita niya ulit dito. Napabuntong hininga na lang ang ama.

"So, kumusta na kayo ni Phil?" Tanong ng ama.

"Okay naman kami, dad." Sagot niya.

"Balita ko lagi kang tambay sa opisina niya." Sambit ng ama na ikinatahimik niya, hindi kasi niya sinasabi na nagpupunta siya sa opisina ni Phil. "I believe that is a good sign."

"Hindi po kayo galit?" Alanganing tanong niya.

"Why should I?" Nakakunot noong tanong ng ama.

"Kasi ako ang nagpupunta sa office niya. Parang ang labas noon ay ako ang naghahabol. Hindi ba't ang turo niyo sa akin ay ang mga lalaki dapat ang lumalapit sa mga babae? Not the other way around."

"I don't see anything wrong naman sa pagpunta-punta mo sa office ni Phil." Sagot ng ama. "And both of you are engaged naman so there's nothing wrong." Dagdag ng ama. "Kasabay ng pagviral ng video niyo ni Charlene ay mas lalong pinag-usapan ang relasyon niyo ni Phil."

"May pagkachismoso ka din pala, dad." Umiiling na sambit niya sa ama. Tama ang ama, magmula nang nagviral ang video nila ni Charlene ay mas lalong lumala ang mga bali-balita sa kung ano ang relasyon nila ni Phil. Mukha namang hindi bothered si Phil dito dahil pati mismo ang magazine nito ay pinublish ang balitang 'yun.

"I'm just stating the fact." Sagot ng ama.

.

.

"Baby~" Masayang bati ni Phil sa dalaga nang pumasok ito sa opisina niya at agad itong nilapitan para mayakap. Lunch na 'yun at tinawagan siya ni Claire na sabay silang maglunch sa opisina nito.

"Hello." Nakangiting bati nito sa kanya. "Wala ka talagang meeting ngayong lunch?" Tanong ulit ng dalaga.

"Ilang beses mo nang tinanong 'yan, baby." Sagot ng niya.

"Ayaw ko lang naman kasing maistorbo ka." Nakasimangot na sambit nito at inilapag ang dala nitong paper bag sa lamesa at tinalikuran siya.

"Nagtampo na naman ang baby ko." Pang-aasar ni Phil at niyakap ang dalaga mula sa likod. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na never kang magiging istorbo sa buhay ko." Sambit nito at hinalikan ang ulo niya.

"Talaga?" Nagtatampo pa ding tanong nito. Bago sagutin ni Phil ang tanong nito ay pinaharap niya muna ito.

"Hindi ka talaga magiging istorbo sa buhay ko." Masuyong sambit niya sa dalaga habang sapo-sapo ang pisngi nito. "Magiging istorbo ka lang kung mawawala ka sa buhay ko." Dagdag niya at masuyong hinalikan ang mga labi ng dalaga. Ang pagdating ni Claire sa buhay niya ay hindi niya inaasahan, at lubos siyang nagpapasalamat sa ina. He will do whatever it takes matuloy ang kasal nilang dalawa.

"Kumain na nga tayo." Namumulang sambit ni Claire sa kanya nang maghiwalay ang mga labi nila.

"Anong kakainin natin?" Nakangising tanong niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Kunot-noong tanong ng dalaga. "Syempre, kakainin natin yung dala kong pagkain." Dagdag nito na ikinatawa niya. "Anong nakakatawa?" Tumaas ang boses nito. "Don't tell me... Bastos!" Namumulang sambit nito at hinampas siya. "Uuwi na ako!" Sambit nito.

"Akala ko ba maglalunch tayo?" Nakangisi pa ding tanong ng binata.

"May pagkain diyan, kainin mo! Pero kung ibang putahe ang hanap mo, maghanap ka sa mga club!" Kinuha nito ang bag niya sa couch at nag-umpisang maglakad pero pinigilan siya ng binata.

"Ito naman hindi na mabiro." Pagsuyo niya sa dalaga pero tahimik pa din ito at hindi siya tinitingnan. "Baby, sorry na, promise di na mauulit." Sambit niya at sinapo ang mukha nito at tinitigan ang mga mata nito, mga mata nitong hindi niya mabasa. "Sorry na, masyado pang maaga para magbiro ako ng ganoon." Dagdag niya. Aaminin niya, masyadong maaga para magbiro siya ng ganoon, lalo na't conservative ang dalaga. "Sorry na." Pagsuyo niya dito.

"Uuwi na ako." Sambit ni Claire na ikinanlumo niya.

"Baby naman." Nanlulumong sambit niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ng dalaga. Ang gusto lang naman niya ay ang makasama ang dalaga, kung hindi lang siya tinawagan ng dalaga kanina ay siya mismo ang pupunta sa center para makasama lang ito. "Sorry na, baby."

"Uuwi na ako." Seryosong sambit ng dalaga. Nanlumo man siya sa narinig pero hindi niya binibitawan ang kamay ng dalaga. "Bitawan mo ako." Madiing sambit ng dalaga, pero hindi niya ito pinakinggan. "Phil Collin!" Napabuntong hininga na lang ang binata at binitawan ang kamay niya.

"Hatid na kita." Alok niya sa dalaga.

"No need." Seryosong sagot nito. "I can manage."

"Take care then." Dismayadong sagot niya. Sobrang disappointed siya sa sarili niya, kung hindi sana siya nagbiro ng ganoon ay marahil ay masaya silang nag-uusap habang kumakain. Pinagmasdan niya lang na tumalikod ang dalaga at lumabas ng opisina niya. "Damn!" Mura niya at mabilis na nagtungo sa pinto, kung hindi niya ito maihatid sa bahay nito ay ihahatid niya na lang ito hanggang sa parking. Nang akmang bubuksan niya ang pinto ay bigla itong bumukas at iniluwa nito si Claire. "Akala ko uuwi ka na? May naiwan ka?" Tanong niya dito, hindi sumagot ang dalaga pero niyakap siya nito. "Baby, akala ko uuwi ka?" Gulat na tanong niya.

"Yes, I'm home." Sagot nito, this time malumanay na ang boses nito. "Hindi ba't ikaw at ikaw lang uuwian ko?" Dagdag nito na ikinagulat niya.

"I'm sorry, baby." Sambit niya at mahigpit na niyakap ang dalaga. "Hindi ko na uulitin." Dagdag niya at hinalikan sa noo ang dalaga.

"Kain na tayo, gutom na ako." Nakangiting sambit ng dalaga, ngiting abot hangang sa mga mata nito. Ibig sabihin ay napatawad na siya nito. 

THE BILLIONAIRE 4: PHIL COLLEN MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon