CHAPTER 2

7.1K 167 3
                                    

"You have 1 hour and 30 minutes to answer module 5. After that you have a 30 minutes break then at exactly 10:30, we will begin with module 6. Be back at 1 PM for the rationale." Sambit ni Claire sa mga reviewers nila. "Since this is not a recorded exam, please refrain yourself from cheating. This will also serve as a self-assessment, so good luck and God bless!" Sambit niya. Nag-umpisa na din ang mga estudante na magsagot.

Kaninang binabasa niya ang mga tanong sa module 5 ay madadali lang ang mga ito at kahit na hindi nakareview ang mga ito ay kayang-kaya nila itong sagutan. At halos lahat din naman ng tanong ay nadiscuss sa kanila. Madali din naman sa module 6 pero medyo nakakalito nga lang. Kahit na drills lang ang exam nila ngayon ay sana naman ay seryosohin ng mga estudante na sagutan ito dahil malaking tulong din naman ito sa kanilang pagrereview, dito nila masusukat kung saan sila nahihirapan.

Pumunta siya sa likod kung saan nakapwesto ang lamesa ng coordinator niya.

"Yvette, doon muna ako sa office at irereview ko lang ang mga tanong." Sambit niya, sa pagrarationale kasi ay talagang ididiscuss niya kung bakit 'yun ang tamang sagot at bakit hindi ang iba, lalo na't nakita niya kanina na may tanong na maaaring mapagbaliktad ang mga sagot. "Ikaw na ang bahala sa kanila." Utos niya dito.

"Sige po ma'am." Sagot nito. Napabuntong hininga siya ng makapasok siya sa opisina niya, inilapag niya ang dalawang questionnaire sa lamesa niya bago umupo. Nasa unang tanong palang siya nang biglang nagring ang phone niya, nang makita kung sino ang caller ay sinagot niya ito.

"Claire baby!" Masayang bungad ng nasa kabilang linya.

"What do you need, Mr. Monteverde?" Pormal na tanong niya, habang binabasa pa din ang unang tanong.

"Why do cold, baby?" Tanong nito. "Are you okay?" May bahid ng pag-aalala ang boses nito. "Gusto mo bang puntahan kita diyan?"

"I'm okay, don't bother." Sagot niya.

"But baby—"

"And didn't I told you to stop calling me baby?" Inis na sambit niya. Kahapon ay ilang beses niya itong sinabihan na 'wag siyang tawaging 'baby'. Nakakasira ng mood tuwing tinatawag siya nitong 'baby'.

"And why should I stop calling you baby, when you're my baby?" Tanong nito, at kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakangisi ito.

"PHIL!" Inis na sambit niya sa may kalakasang boses.

"Okay, okay, I won't disturb you. I know that you're busy today." Sambit nito. "I have a lunch meeting later so, ipapadala ko na lang ang lunch mo."

"You don't have to." Sambit niya.

"Kung hindi ko gagawin 'yun ay hindi ka na naman kakain." Sambit nito na ikinagulat niya. "I already asked your coordinator, and it bothers me too much nang sinabi niyang minsan ay hindi ka kumakain tuwing lunch." Sambit nito na may pag-aalala sa boses.

"Kumakain naman ako." Sagot niya.

"Yes, kumakain ka nga pero sandwich lang and coffee." Agad na sambit ng binata. "You should know better, Claire! You are in a health care profession!" Dagdag nito na ikinangiti niya.

"Ohh, where did your endearment go, baby?" Pang-aasar niya dito. Hindi agad ito nakasagot pero narining niyang may mga nahulong ito. "Hey, are you okay, baby?" Nakangising tanong niya.

"T-that's foul play!" Nabubulol na sambit nito na ikinatawa niya. "So now, you're making fun of me, huh?" seryosong sambit nito.

"Well, I can't help it when you're being so serious." Tumatawang sambit niya.

THE BILLIONAIRE 4: PHIL COLLEN MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon