Chapter 13

5.5K 118 1
                                    

"Wait!" Nagulat siya nang biglang sumigaw si Claire. Nag-aalalang tiningnan niya ang dalaga, may hindi ba nagustuhan ang dalaga sa sorpresa niya?

"Is something wrong, baby?" Nag-aalalang tanong niya, ngunit ang hindi niya inaasahan ay nang sampalin siya nito ng ubos ng lakas. "What the?"

"I can't do this." Naluluhang sambit ni Claire at tumakbo papuntang loob ng hotel, ilang beses siyang tinawag ng binata at nang mga magulang nila ngunit nagtuloy-tuloy pa din ito, at sinundan naman siya ng binata.

"Claire, wait!" Mahigpit na hinawakan ni Phil ang kamay ng dalaga, nasa lobby sila ng naturang hotel.

"Anong pakulo na naman ba ito, ha?" Seryosong tanong ng dalaga sa kanya, nanginginig na din ang buong katawan nito. "Dinamay mo pa ang mga kaibigan at pamilya natin, pati na din si father!" Dagdag nito.

"Hindi ito basta pakulo lang, Claire." Natatarantang sagot niya. "Hindi mo ba nagustuhan ang motif natin? Ang mga bulaklak? Ang mga dekorasyon?"

"Wala akong problema sa mga 'yun!" Mangiyak-ngiyak na sagot ito. "Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Dagdag nito na ikinagulat niya. "Ayaw kong magpatali sayo!" Dagdag nito na ikinawasak ng puso niya.

"I...I'm sorry... It was careless of me to prepare all of this na hindi man lang kita natatanong." Sambit ni Phil na nangingilid ang mga luha. "Of course, ayaw mong magpatali sa taong hindi mo mahal." Mapait siyang napangiti. "It was wrong of me to assume that you love me as well... But please, I'm begging you, mahalin mo ako..."

"P..Phil?" Gulat na gulat ang dalaga sa inasal niya.

"I know that I'm pathetic asking you that, but I really can\t live without you, the thought of another man's arms around you is so devastating... Ako na lang ang mahalin mo, Claire..." Pagmamakaawa niya. "Am I that hard to love?"

"Phil!" Tawag ng ina niya. "Tama na 'yan!" Ngunit hindi niya ito pinansin.

"Claire..." Mahigpit na hinawakan niya dalawang kamay ng dalaga. "Babaguhin ko lahat nang ayaw mo sa akin basta mahalin mo lang ako..."

"But Phil, you don't have to..." Mangiyak-ngiyak na sambit ng dalaga.

"Listen to me, baby." Kalmadong sambit niya at marahang hinaplos ang pisngi ng dalaga. "There are three words that I've been dying to say to you & I want you to know that they are true.. I've never said these words to anyone, aside from my parents..." Nanginginig ang boses niya. "I wanna say I love you, I wanna hold you tight, I want your arms around me & I want your lips on me... I wanna say I love you, but baby I'm terrified, my hands are shaking, my heart is racing 'cause it's something I can't hide and it's something I can't deny..." Habang sinasabi niya ang mga 'yun ay nakatingin lang siya sa mga mata ng dalaga. "Baby, I love you."

"Y..you really do?" Gulat na tanong ng dalaga.

"I love you, Claire Espiritu." PAg-uulit niya. "Noong una akala ko simpleng atrasyon lang ang nararamdaman ko sayo, but who am I kidding? Kaya nga sobra-sobrang pagpipigil ang ginagawa ko tuwing magkasama tayo 'cause I respect you so much, you are so precious that I am afraid to taint you, kasi nga hindi pa talaga ako sigurado sa nararamdaman ko sayo... I just realized na mahal na pala kita nang hindi ka na bumalik dahil sa issue na nangyari noon."

"P-pero bakit wala kang sinasabi kahit na nung naayos na ang issue na 'yun?" Lumuluhang tanong ng dalaga.

"Because I thought hindi na kailangan, akala ko sapat na iparamdam ko na lang sayo ang pagmamahal ko... that's why I can't blame you to think otherwise nang magsinungaling ako sayo." Paliwanag niya. "But please, believe me when I say I love you."

"B-bakit hindi ka man lang nagpaliwanag sa akin nang malaman mong andun din ako sa natuwang restaurant? I was expecting you to call me that day, kaya ko pina-add sa bill mo 'yun, but you didn't."

THE BILLIONAIRE 4: PHIL COLLEN MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon