"Mr. Monteverde, ano ang masasabi niyo sa kumakalat na balitang kayo ang ama ng ipinagbubuntis ni Charlene?" Tanong ng isang press sa kanya. Kahapon ay pinigilan niya ang pagkalat ng balita, ngunit huli na ito, kalat na kalat na sa buong mundo ang pasabog ni Charlene. Sa tulong ni Gab ay nagsampa siya ng kaso laban kay Charlene.
"Walang katuturan ang mga sinasabi Ms. Mendoza. Sa umpisa pa lang ay wala kaming ugnayan." Seryosong sagot niya. "Kung totoo mang buntis siya ay sigurado akong hindi ako ang ama ng dinadala niya."
"Ngunit hindi ba't may gabi na kayo ay magkasama?" Tanong ng isang reportor.
"That was just dinner prepared by my mother!" agad na sagot niya. "After that ay wala nang nagyari, we went on our separate ways. Kung alam ko lang na hahantong sa ganito ang simpleng dinner na 'yun ay sa simula pa lang ay hindi ko na siya sinipot."
"Mr. Monteverde, ang ibig niyo bang sabihin ay lahat ng nagugnay sa inyo ay ang ina niyo ang dahilan?" Tanong ng isang reporter.
"Yes, that's right!" Agad na sagot niya.
"Kabilang ba dito si Ms. Claire Espiritu, Mr. Monteverde?" Tanong ng isang reporter, bigla siyang nanlumo nang marinig ang pangalan ni Claire. Magmula kahapon ay hindi siya sinasagot ng dalaga hanggang sa hindi na niya ito makontak. Sinubukan din niyang tanungin ang mga magulang ng dalaga ngunit pati sila ay walang alam kung nasaan ito ngayon.
"Huwag niyong itulad si Claire sa mga babaeng 'yun!" Agad na sambit niya.
"This past few months ay kayong dalawa ang bali-balita, ano nga po ba ang relasyon niyong dalawa?"
"My relationship with Claire is serious!" Seryosong sagot niya. "At dahil sa walang kwentang balita ni Ms. Mendoza ay hindi ko na mahagilap si Claire!" Dagdag niya.
"Gab, nahanap mo na ba siya?" PAgkatapos ng press conference ay agad niyang tinawagan ang kaibigan.
"I'm sorry, Phil, hindi ko pa siya nahahanap sa ngayon." SAgot ng kaibigan. "Kahapon pa siya nakaalis ng Batangas." Dagdag nito.
"Damn!" Inis na sambit niya.
"Huwag kang mag-alala, bro. Hindi ako titigil hangga't hindi natin siya nahahanap." Sambit ng kaibigan.
"Salamat, Gab." Sambit niya at pinutol ang linya. Ngayon ay tutungo ulit siya sa bahay ng mga Espiritu.
"Pasensya na hijo, maging kami ay hindi namin siya matawagan. Hindi din namin alam kung nasaan siya ngayon." Mangiyak-ngiyak na sambit ni Leila, nag ina ni Claire.
"Maging ang pinsan niyang si Fabian ay hindi din alam kung nasaan siya." Sambit naman ng ama ni Claire. "Kinailangan niyang ihatid ang mga kasamahan nila dito sa Maynila at nang balikan niya si Claire ay wala na ito doon." Nanghihinang dagdag nito.
"I'm sorry po Tito and Tita, nang dahil sa kabaliwan ni Charlene ay hindi na umuwi si Claire." PAghingi niya ng paumanhin.
"Nauunawaan namin, hijo. Hindi mo naman kasalanan ang mga nangyari." Sambit ng ama ni Claire. "Sana lang ay makita na natin siya."
.
.
.
"Gab, wala pa bang balita kung nasaan si Claire?" Tanong ni Phil nang magkita sila sa bachelor party ni Josh.
"Wala pa sa ngayon." Sagot ng kaibigan.
"Balitaan mo agad ako kung natunton mo na siya." Sambit ng Phil.
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE 4: PHIL COLLEN MONTEVERDE
RomancePhil Collen Monteverde, the owner of the Newly Trend Magazine that is well-known all throughout the globe. At sa edad na 28 ay wala pa din siyang balak magsettle down dahil sa kadahilanang hindi niya pa nahahanap ang tamang babae para sa kanya. Kaya...