"Why are you behaving like a brat, young man?" Seryosong tanong ni Claire sa walong-taong gulang na anak na si Dwayne.
"Is something wrong, mom?" Balewalang tanong ng anak.
"I told you to clean your room, pero bakit hindi mo pa din ito nililinis? Where have you been all this time?" Tanong niya.
"I was with Blaine and the others, mom." Sagot nito at itinutok ang mata sa telebisyon. "And besides manang Aida is there to clean my room."
"Anak, hindi porke't may mga kasamahan tayo dito sa bahay ay iaasa na lang natin lahat sa kanila ang gawaing-bahay." Sermon niya sa anak. "Sana man lang ay kahit na sa paglilinis ng kwarto ay gawin mo, malaking bagay na 'yun para kina Manang."
"That is why we are paying them to do the works, mom." Sagot ng anak.
"Dwayne! Hindi ko na gusto ang mga pinagsasabi mo!" Bahagyang tumaas ang boses niya. "Remember, it is your dad who is paying them not you!"
"But eventually, dad's company will be mine when I grow up so what's the difference?" Sagot nito na lalong ikinasakit ng ulo niya.
"I'm home, baby!" Masayang sambit ni Phil at niyakap siya. "What's with the frown? Ginagalit ka na naman ba ni Dwayne?" Tanong nito at binalingan ang anak. "What did you do to your mom again, kiddo? Nakipag-away ka na naman?" Kunot-noong tanong nito sa anak.
"No, dad." Agad na sagot ni Dwayne. "It's just that, hindi ko ginawa ang pinapagawa ni mommy bago umalis ng bahay."
"And that is?"
"To clean my room, dad." Mahinang sagot nito.
"So now, what are you going to do?" Tanong ulit nito sa anak.
"But dad, we have Manang to clean my room." Reklamo ng anak na ikinabuntong hininga ni Claire. "And besides, it is only my used clothes and my notes that were scattered on the floor."
"Dwayne, it is your room, isn't it? Who should be responsible for keeping it clean, tidy and organize?" Seryosong tanong ni Phil. "It should be you, right? Because that was your personal space." Dagdag nito. "Imagine this, paano kung pumasok si Cheska sa room mo at makita niyang nagkalat ang mga damit mo at ang mga libro mo? Cheska is a clean-freak, isn't she? Your ninong Josh mentioned that it is a major turn-off kay Cheska kung ang isang tao ay hindi marunong maglinis." Dagdag nito, at walang sabing tumayo si Dwayne sa kinauupuan at nagmadaling umakyat ng hagdan.
"Mom, maybe I should also change my bed sheets, pillow case and blanket." Nakadungaw na sambit nito mula sa 2nd floor. "Where should I get cleaned blankets and beddings, mom?" Tanong nito.
"Ask Manang Aida for the clean ones." Sagot niya.
"Thanks mom." Sambit nito at nagmadaling nagpunta sa sariling kwarto.
"There goes our boy." Sambit ni Phil at umupo sa sofa. "Narinig lang ang pangalan ni Cheska, ayon at nagmadali nang pumunta ng kwarto." Dagdag nito at hinila siya dahilan para mapakandong siya sa asawa.
"Nag-aalala ako para sa anak natin. I don't want him to grow up na laging umaasa lang sa ibang tao." Nag-aalalang sambit niya. "Sana man lang matutunan niya kahit ang maglinis man lang."
"Matututo din siya as time goes by." Sambit ng asawa.
"You've been saying that ever since he was 5." Seryosong sambit niya.
"Then pauwiin na lang muna natin sina Manang Aida for the mean time. With that tayong tatlo muna ang bahala sa gawing bahay." Suhestiyon ni Phil habang nilalaro ang kamay niya.
"I woul love that idea but I'm sure you will not like it especially now."
"And why is that so?" Nagtatakang tanong ng asawa.
"I'm two months pregnant." Nakangiting sagot niya na ikinabigla ng asawa. "So, pauuwiin pa ba natin sina Manang?"
"Walang uuwi sa kanila. Kakausapin ko na lang ng masinsinan si Dwayne." Agad na niyakap siya ni Phil at hinalikan. "So that explains the sudden change of your mood for the past days. I actually had a hunch pero winawala ko lang." Sambit ng asawa. "But are you okay with it? I mean are you--"
"I'm totally fine with it, Phil. Aaminin ko, may takot pa din akong nararamdaman dahil muntik ng malaglag noon si Dwayne, but alam ko din naman na you've always wanted another child, sino ba naman ako para ipagdamot 'yun?"
"Pero nag-usap na tayo tungkol dito, hindi ba?"
"I'm fine, really. Tsaka noon pa man ay gusto ko nang masundan si Dwayne, tsaka I'm at ease naman kasi I have you and malaki naman na si Dwayne, and I'm sure that both of you will be there throughout my pregnancy. So I will be okay." Nakangiting sambit niya at hinaplos ang pisngi ng asawa. "I love you so much, Phil." Sambit niya. "And I don't regret marrying you." Dagdag niya na ikinangiti ng asawa.
"I love you too, baby Claire." Sambit ng asawa at muli siyang hinalikan. "I love you."
I've never said, these words to anyone, anyone at all. Never got this close, cause I was always afraid I would fall.. But now i know, that I'll fall right in-to your arms... Baby, I love you...
**
Yay! Maraming maraming Salamat po sa pagsubaybay sa kwento ni Phil Collen Monteverde. Sana din po tulad ng pagsuporta niyo sa mga kwento nina JOSH, RAFA, LOHAN at PHIL ay suportahan niyo din ang kwento ni TYRON CRUZ sa THE BILLIONAIRE'S BRIDE, to be posted na po siya mga bes :)
Again, thank you, thank you po! Kita-kits po sa kwento ni Tyron! God Bless!
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE 4: PHIL COLLEN MONTEVERDE
RomancePhil Collen Monteverde, the owner of the Newly Trend Magazine that is well-known all throughout the globe. At sa edad na 28 ay wala pa din siyang balak magsettle down dahil sa kadahilanang hindi niya pa nahahanap ang tamang babae para sa kanya. Kaya...