Chapter 3

6.9K 151 2
                                    

"So, kumusta na kayo ni Phil, hija?" Tanong ng ama niya habang nagdidinner sila na ikinagulat niya. It's been a week nang makilala niya in person si Phil at habang nakakasama niya ito ay naproproove niyang walang katuturan ang mga rumors tungkol dito. Maybe it is his honesty and his straightforwardness ang dahilan kung bakit nila sinasabing mayabang ito at walang paki-alam sa paligid. But in reality, the man has a funny and lovable side, pero may isang bagay lang siyang napansin dito, may pagkapossessive ito.

"So far so good, dad." Sagot niya. "Despite of his busy schedule, he is making sure na may oras siya for me." Which is true, walang araw na hindi ito pumunta sa review center para bisitahin siya kaya naman inuulan na sila ng tukso ng mga estudante at mga lecturers nila. Kahit na ilang beses niyang sabihin sa binata na okay lang kahit hindi siya nito puntahan lagi-lagi ay nagmatigas pa din ito. Tuwing umaga ay hinahatid siya nito papuntang center, at sinusundo din siya nito.

"He's a good man, hija." Sambit ng ina.

"I can see that, mom." Nakangiting sagot niya. May topak nga lang kung minsan.

"Then I guess tuloy na tuloy ang kasal niyo?" Tanong ng ama niya.

"Dad, we decided to have a three month trial." Agad na sagot niya. "We will see if we can get along." Dagdag niya.

"But from what we've heard both of you are getting along." Sambit naman ng ina niya.

"Si Yvette talaga." She sighed. Alam na niya kung sino galing ang mga impormasyon na nakukuha ng mga magulang. "It's been only a week, mom, I don't want to rush things." Sagot niya. "We are only the state of getting to know each other. Parehas kami ni Phil na gustong makasigurado sa makakasama namin sa habang buhay." Dagdag niya.

"Pero sa ayaw at sa gusto niyo matutuloy ang kasal." Seryosong sambit ng ama niya.

"But dad—"

"No more buts, young lady!" Pagpuputol ng ama niya. "Ang totoong dahilan kung bakit namin kayo pinagbigyan sa gusto niyo ay para hindi mabigla ang mga tao lalo na't madaming mata ang nakamatyag kay Phil. Baka madamay ang review center natin sa biglang pagpapakasal niyo." Sambit ng ama niya na siyang ikinatahimik niya. Hindi niya lubos akalain na useless lang pala ang 3-months trial nila ni Phil.

"May appointment po ba kayo kay Sir Monteverde, Ms. Espiritu?" Tanong ng secretary ng binata. Wala naman siyang gagawin sa review center at tinawagan niya na si Yvette na siya na muna ang bahala doon, at hindi niya alam kung bakit niya naisipang puntahan ang binata. "Kailangan niyo po ng appointment kung gusto niyong makausap si Sir." Dagdag nito nang hindi siya makasagot.

"No, nevermind." Sambit niya at pilit na ngumiti. "Thanks." Dagdag niya at tumalikod nang biglang bumukas ang pinto ng opisina nito.

"Claire?" Gulat na tawag ng binata sa kanya nang lingunin niya ito ay hindi siya nag-iisa. Kilala niya ang lalaking kasama ng binata, kung hindi siya nagkakamali ay ito si Lohan Marquez, ang sikat na photographer at ang kaibigan ni Phil.

"Hi?" Patanong na bati niya.

"What are you doing here?" Tanong ng binata at lumapit sa kanya. "Wala bang review ngayon?" Tanong nito at napadako ang tingin sa hawak-hawak niyang paper bag.

"Ahm, tinatamad akong pumasok and napasobra ang luto ko kaya naisipan kong puntahan ka, total magla-lunch din lang naman." Sagot niya, at late na niyang narealize na baka may lunch meeting ulit ito. "P-pero kung may lunch meeting ka ulit ngayon ay next time na lang."

THE BILLIONAIRE 4: PHIL COLLEN MONTEVERDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon