Kasalukuyan akong nasa Guidance habang nag papaikot ikot sa kinauupuan ko. Patango tango pa ako bilang pag-indak sa pinapatugtog ko sa aking mp3.
Nakita kong pumasok na si Ma'am Pet, tagapamahala dito sa guidance nakikita ko yung bibig nya na bumubuka kaya alam kong sinesermunan nanaman nya ako.
Wala akong balak makinig.
Nagpatuloy ako sa pagikot sa upuan ng bigla nyang pigilan ang ginagawa ko, tinignan ko sya ng masama.
Hinablot nya yung nakasalampak sa taenga ko.
"SINABING TANGGALIN MO" nanggagalaiting sigaw nya.
Tinitigan ko lang sya na parang wala akong pakielam sa mga pinag sasabi nya. Well wala naman talaga.
Kinamot ko yung taenga ko dahil medyo masakit ang pagkakahatak nya nung mp3.
"WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING?! HINDI KA NA BA TALA AAYOS? HA?!MAHIYA KA NAMAN! YUNG TATAY MO NAKIKIUSAP NA WAG KA I- EXPELL PERO IKAW ANO GINAGAWA MO?!--" Pag sesermon nya saakin habang hinahampas saakin ang hawak nyang envelope.
Wala akong ibang ginawa kundi ang sanggahin ang bawat palong ibinibigay nya saakin. Napatigil lang ako sa pag sangga ng batukan nya ako ng sobrang lakas. Doon ko sya tinignan ng masama.
Patayin na kaya kita?
"UMALIS KANA DITO!" Sigaw nya saakin habang naka amba ng isa pang batok.
Agad kong kinuha yung bag ko, sinipa ko yung upuan na nakaharang na kanina ay pinag ikot ikutan ko pa. Dinampot ko yung mp3 na hinagis nya sa sahig. Dere-deretso lang ang lakad ko ng tawagin nanaman nya ako.
"Aren't you going to thank me?" Mayabang na tanong nya sakin.
YOU ARE READING
This Means War (On-Going and Under editing)
Fanfiction'To this War. You're not my soldier either my super hero You're an Antagonist and This Means War.' Story Starts: July 15, 2018 Story Ends: (On-Going)