Chapter 3: Changes

67 9 5
                                    

YUUNA'S POV



"Yuuna! Tara na aalis na tayo!" Sigaw ni lola na nasa labas.



Badtrip naman to.



Padabog akong lumabas at ng makita ko yung lalaking hindi ko kilala. Unknown Particle, mas lalo lang akong na badtrip. Lakas mang-peste ng isang to.



Ampu'a nakangiti pa sakin.



"Lola mukang kailangan nya nga talagang matutunan yan" ngiting ngiting sabi nya kay lola.



Ako ba pinag uusapan nila?. Letse to ah!. Tinignan ko lang ng masama. Peste! Unknown Particle!



"Ikaw nang bahala dito ah, sya sige una na kami...Yuuna tara na dito!" Nakangiting paalam nya kay Unknown Particle, pero ng saakin na lumipat ang tingin nya ay biglang naging isa nalang ang kilay ni lola sa sobrang pagkaka-kunot nito.



Nauna nang lumabas si lola ng bahay kaya sumunod na ako. Nadaanan ko yung Unknown Particle at ngiting ngiti ang luko. Pinandilatan ko lang sya.



Nag lakad lang kami ni lola papuntang dirty market.



Bili ng bili si lola ng kung ano-ano at saakin ng saakin pinabubuhat.



Kailangan ba lahat to?



"Yaan naba ang apo mo Amanda? Abay kagandang bata" narinig kong sabi nung babaeng binibilhan ni lola.



"Oo sya na yun, abay matigas naman ang ulo" sabi ni lola sabay abot ng bayad. Tumawa lang yung kausap nya.



Pagkalat mo pa sige.



Bili dito.


 Bili doon.



"Lola..." tawag ko kay lola



"Ano suko kana? Mag aaral kana? " masungit na tanong nya saakin ng lingunin ako.




Ngumuso lang ako. Hindi. ayoko na talaga magaral.

This Means War (On-Going and Under editing) Where stories live. Discover now