YUUNA'S POV
Kinaumagahan ay pumasok akong walang dalang kahit ano. Wala akong bag eh. Yung cellphone ko pa naandoon. Tsk!
Kasabay kong nag lalakad si Yuhri papasok sa school. Hindi na daw sya mag b-bike kung hindi daw ako aangkas.
"Ano bang laman ng bag mo?" Tanong saakin ni Yuhri.
"Yung mga notebook, 2 libro tapos nandon din yung wallet at cellphone ko!" Nakakunot noong sagot ko.
"Tss. Burara ka kasi" sabi nya saakin.
Pinandilatan ko sya at inirapan.
Nagtuloy kami sa pag lalakad ng hindi nag kikibuan.
"Nahanap kaya yun ni Naithan?" Bulong ko.
"Oo nahanap nya" sagot ni Yuhri.
Nilingon ko sya at binigyan ng nagtatakang tingin. Iniwas nya ang mga mata at saka nag isip.
Ano yun?
"Ramdam ko lang! Bakit? Ayaw mo?"
Inirapan ko sya at nag tuloy sa pag lalakad. Nang makarating sa school ay sabay din kaming pumasok sa room. Agad kong nilapitan si Lara at ikinuwento ang nangyari.
"Ano? Eh nasaan na?" Tanong nya saakin.
"Hindi ko alam" sabi ko at nag pout.
"Si Naithan nasaan?" Tanong nya muli
"Ewan ko din" hinanap ng mga mata ko si Naithan sa field.
Hala! Di ngapala ako nag intay sakanya. Yung usapan...pero malapit na kami masaraduhan nun...sya kaya nasaraduhan? Nakauwi kaya sya?
Tumayo ako at nag paalam kay Lara na pupuntang field. Hindi nya ako pinigilan kaya mabilis akong nakapunta doon, sya na daw ang bahalang mag dahilan saakin
Naupo ako sa isa sa nga bench at tinignan ang bawat tao na dumaan.
Ilang mga tao pa ang makalampas ng makita ko sya. Nangiti ako at kaagad syang tinawag at nilapitan.
"Naith!" Tawag ko dito.
Sinuklian nya ang ngiti ko at ginulo ang buhok ko ng makalapit sakanya.
"Hindi mo ako inintay!" Kaagad na sabi nya. Nag kunwari pa syang nag tatampo.
"Tsh... ang tagal mo kaya! Inintay kita hoy! Kaso baka masaraduhan kami kaya umalis na ako...sorry na!"
"Kayo? May kasama ka? " tanong nya saakin.
"Ah..oo si Yuhri! Ano nahanap mo ba?" Tanong ko sakanya.
Nag seryoso ang muka nya at iniwas ang tingin.
"Hoy! Kung nahanap mo ba?" Pag uulit ko.
"Oo. Eto oh" sabi nya sabay bigay saakin ng isa sa dalawang bag na dala nya.
May mali sa bag.
"Hindi ito yun" sabi ko habang tinitignan ito.
Binuksan ko ang bag, hindi talaga ito sakin.
Nilingon ko sya at nakangiti lang sya saakin.
"Yan yun!" Pag uulit nya.
Muli kong tinignan ang bag na katulad na katulad ng bag ko. Bago lang ito at luma yung akin. Yung laman naman lahat din bago.
"Hindi talaga to sakin Naithan" sabi ko at pilit ibinabalik sakanya yung bag.
"Anong hindi? Yan kaya yun, tignan mo kasi" binigay nya ulit saakin ang bag at nginisian ako.

YOU ARE READING
This Means War (On-Going and Under editing)
Fanfiction'To this War. You're not my soldier either my super hero You're an Antagonist and This Means War.' Story Starts: July 15, 2018 Story Ends: (On-Going)