YUHRI'S POV
Mula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko sila Yuuna at Naithan na nakikipag kamay sa isa't isa.
Kasalukuyan kaming nag lalakad sa hallway ni vryce. Nagkasalubong kami kanina at hindi nya na ako nilayuan pa. Nakakairita oo, pero wala akong magawa dahil kagustuhan nya yun.
"Yuhri? May problema ba?" Tanong nya saakin.
Hindi ko sya pinansin at nag paumuna ng maglakad.
Narinig ko naman ang pag sunod nya saakin. Nilingon ko sya at nakangiti lang syang nakikisabay sa pag lalakad ko.
"What now? Huh?" Tanong ko dito.
"Idunno. Susundan lang kita tutal free time ko naman" malambing na sabi nya.
Ngumisi lang ako at binalik muli ang tingin sa daan.
Mabilis tumakbo ang mga oras at nag simula na ulit magklase. Wala akong maintindihan dahil busy ako sa pag titig kay Yuuna na patakbo takbo sa labas.
Panigurado akong pagod na pagod na yan.
Natapos ang klase ng pinapanood ko lang si yuuna.
Uwian na pero hindi parin sya natigil sa pag takbo. Tatapusin nya kaya yan ngayon?
Lumabas ako ng room at nag punta sa field, naupo sa isa sa mga bench na medyo malayo sa running field pero tanaw ko parin si Yuuna.
Tumitigil sya paminsan minsan para makapag pahinga, bumabagal din ang pag takbo nya dahil siguro sa sobrang pagod.
Tumayo ako at nag lakad palayo.
YUUNA'S POV
Napag desisyonan namin ni Naithan na sya nalang ang mag hahanap ng bag ko habang ako ay nag tatatakbo sa ilalim ng papalubog na araw.
Tinignan ko ang relo ko at napansing sobrang late na.
"Nasan na yun?" Bulong ko sa sarili.
6:13 na at wala parin sya, niligid ko ang paningin at madilim na ang bawat sulok ng school nakakatakot na umalis sa kinatatayuan ko. Sabi ni naithan ay 9:00 pa daw nag sasara ang school dahil nililinis pa ito.
Kinapa ko ang bulsa ko at wala doon ang aking cellphone. Napapikit ako sa sobrang pag kairita at dahang dahang lumapit sa poste ng ilaw.
Natapos ko ang 100 laps sa loob ng dalawang araw pero kung ang buhay ko naman ang kapalit nito ay wag naman sana.
Makalipas pa ang ilang oras ay muli kong tinignan ang aking orasa.
"7:23? " gulat na singhal ko. Nilihid ko muli ang mga mata at mula sa kalayuan ay may naaaninag akong papalapit dito. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa kung si naithan na ito. Dahan dahan akong umatras, hindi ko namalayan na may bench pala sa likod kaya nawalan ako ng balanse at napaupo doon.
Katapusan ko na ba? Muli kong sinilip ang relo at 7:30 na, Time of Death 7:30.
Pinikit ko ang mga mata at nag dasal ng mataimtim. Lord, alam ko pong hindi tayo close pero hindi din naman tayo mag kaaway. Please sav--
"Anong ginagawa mo?"
Dahan dahan kong minulat ang mga mata at tiningala ang taong hindi ko inaasahang darating. Ginala ko ang paningin sakanya at naka uniform parin sya, samalamang ay hindi pa nakakauwi.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya.
"Ako unang nag tanong, sagutin mo muna ako" pag susungit nya.
Tunaasan ko sya ng kilay at naupo ng ayos.
"Iniintay ko si nai--"
"Bakit mo iintayin kung kaya mo namang mag isa?" Putol nya sakin.
YOU ARE READING
This Means War (On-Going and Under editing)
Fanfic'To this War. You're not my soldier either my super hero You're an Antagonist and This Means War.' Story Starts: July 15, 2018 Story Ends: (On-Going)