Chapter 28: Different

21 4 10
                                    

Axel Iuone Gonzaga

YUUNA'S POV

Nagising ako sa ingay ng isang motorsiklo sa labas ng aming kwarto. Kunot noo akong bumangon at padabog na binuksan ang pintuan.


"Ano yan?!" Inis na sigaw ko kay Yuhri na naka top less habang abala sa pag aayos sa motorsiklo.

"Uy! Goodmorning! Nagising ba kita?" Natatawang tanong nito saakin.

"Ang aga aga pinapatunog mo yan! Kanino ba iyan?" Naiinis paring tanong ko habang lumalapit sakanya. Dahil sa pag lapit kong iyon, napansin ko ang karumihan ng maskulado nyang kayawan.

"Umm..akin to , matagal nang hindi nagagamit pinaiinitan ko lang" ngising sagot nya.

"Wala ka bang pasok at yan inaatupag mo?" Taas kilay na tanong ko.

"Meron, ihahatig pa nga kita eh" iniharap nya ang buong atensyon saakin bago ako kindatan at pagtawanan.

Nang natapos ako sa pag aayos ng sarili ay nag paalam lang kami ni Yuhri bago tuluyang umalis.

"Saan galing to?" Pag uusisa ko.


"Sa bahay, nalaman kasi ni papa na nag bibike ako sa pag pasok" sabay tawa nya bigla " pinadala tuloy tong motor ko"


"Daddy mo yung lalaki kagabi?"

Nawala ang ngisi nya. Hindi nya ako sinagot bagkus isinuot nya nalang saaking ang isang helmet.


"Hindi, utusan lang yun" sagot nya habang nilolock ang helmet saaking baba. "Let's go?" Tumango lang ako saka sya sinundan sa pag sakay sa motor nya.

Utusan? Ang taray naka convertible car.

"Bakit kailangan nyo ng utusan?" Muling pag uusisa ko. Wala akong narinig na sagot mula sakanya kaya nanahimik nalang ako sa likod ng motor niya.


"Hindi pa kita girlfriend ang dami mo nang tanong, pano pa kaya pag girlfriend na kita? Wala na siguro akong privacy"


Nag init ang pisngi ko sa sobrang pagkapahiya kaya nakurot ko ang tagiliran nya.

"Aray!" Umiinda sa sakit ngunit tatawa tawa parin.

"Tigilan mo ako Yuhri!" Pag babanta ko dito.

Mas mabilis kaming nakarating sa School dahil sa motor ni Yuhri. Mga 10 mins nalang ang byahe papunta dito.

"Wow nice bike" ani ni naithan saaking gilid.


"Ganda no?" Ngising pag sangayon ko.


"Mas maganda--"

"Tara Yuuna!" Inis na hinigit ako ni Yuhri palayo kay naith.

"Wait lang!" Tatawang sumunod si naithan saamin.

Anong problema nya? Bakit ang friendly nya ngayon?

"Dito nalang ako" ani ko saka binawi ang kamay dahil nakahawak si Yuhri saaking pupulsuhan. "May practice ulit kami sa gym, dito nalang ako" sabay turo ko sa corridor na aking daraanan.

"Hatid na kita--"

"Ayoko nga!" Tumawa ako bago tuluyang tumakbo palayo sakanila.

"Wag ka tumakbo! Yung paa mo hindi pa yan oka--"

"Ayan hindi na!" Sigaw ko pabalik ng hindi sila nililingon.

Naka ngisi akong pumasok sa gym ngunit para naman akong tinamad ng makita si Vielle doon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

This Means War (On-Going and Under editing) Where stories live. Discover now