Chapter 13: Close as friends

56 8 3
                                    

Nang makarating sa bahay ay panay parin ang pang aasar ko sakanya.

"Yuuna tumigil kana" nag uutos na sabi nya.

Tumigil na ako dahil sobrang kasiyahan na ang bumalot saakin.

"Nye nye"

Nilapag namin ang mga pinamili sa table sa mini resto.

"Kumpleto yan lola" sabi ko  kay lola na nag hahalungkat sa mga pinamili namin.

"Pasok na po ako sa kwarto" paalam ni yuhri. Nilingon ko sya at nakitang pumasok nanga.

"Sundan mo iyon at mag sorry ka" sabi ni lola. Taka ko lang syang tinignan.

"Kanina pa kayo nag aasaran kanina.Mukang hindi na sya natutuwa saiyo"

Huh? Ganoon ba?

Lumapit ako sa kwarto nya at pumasok ng walang katok katok. Nakita ko syang nagbabasa sa kanyang study table. Naupo ako sa sahig saka ginala ang mata sa loob ng kwarto nya.

Hindi ito ang unang beses kong makapasok dito pero ngayon ko lang napansin na napakalinis nito at aakalain mong araw araw nalilinis.

"Anong ginagawa mo?"

Nilingon ko ang nakakunot noong si Yuhri.

"Natambay" ngising sagot ko.

"Hindi to tambayan. Lumabas kana nga"

"Bakit ang sungit mo nanaman? Tsh!" Ngusong tanong ko.

"Makikipag asaran tapos pikon pala" bulong ko

"Balakajan" muli nyang binaling ang tingin sa binabasa.

Walang nag sasalita sa aming dalawa. Kaya nakaramdang ako ng pagkainip.

Lumipas ang ilang oras at napag desisyonan kong kuhanin ang gamit ko at dito mag aral. Nyahahaha.

Lumabas ako ng kwarto ng walang sinasabi. Pumasok ako sa kwarto namin ni lola at kinuha ang bag ko. Pumunta rin akong mini resto para kumuha ng makakain. Pabalik na sana ako sa kwarto ni Yuhri ng makitang palabas sya.

"Saan ka pupunta?" Kunot noong tanong nya saakin habang pinapasada ang tingin sa mga dala ko.

"Shakuhwartohmuh"

"Ano? Tanggalin mo nga yan!" Kinuha nya ang cupcake na nasa bibig ko.

"Tsk! Sa kwarto mo!" Inis na sigaw ko dito.

"Bakit may dala ka pang ganyan?" Patungkol nya sa mga dala ko.

Lumapit ako sakanya saka ngiting binulongan. "Mag aaral kasi ako" huminga ako ng malalim saka nagtuloy sa pag pasok sa kwarto nya. 

"B-bakit dito pa?"

"Gusto ko eh. May magagawa ka" nilapag ko ang mga gamit sa sahig saka isa isang binuklat. Teka yung cupcake ko.

Nilingon ko sya at nakitang kinakain ito hanag nag babasa sa kanyang table.

"Akin yan eh!" Sigaw ko.

Nilingon nya ako saka nginisian.

"Alam ko. Kalasa mo nga eh"

Malamang may laway ko na yan eh! Tsaka pano nya naman nalamang kalasa ko?!

"Manyak" bulong ko.

Inirapan ko lang sya saka binaling ang tingin sa mga gamit. Nilabas ko ang binigay na reviewer saakin ni Vielle.

"Ang dami naman" bulong ko na nasa mga papel ang tingin.

Nagsimula na akong mag solve sa sahig. Nakakangalay pero wala na namang ibang pwesto dito. Nang magtagal ako sa ganoong puwesto ay nakaramdam ako ng pamamanhid ng likod. Tumayo ako ng tuwid at nag inat. Mag susulat na sana ako ng biglang agawin saakin ni Yuhri ang nga sinasagutan ko.

This Means War (On-Going and Under editing) Where stories live. Discover now