"Titira ko na ha?" Sabi nung babaeng may hawak ng bola. Kanya iyong tinira gamit ang pupul-suhan . Sinalo naman ito nung isa gamit ang dalawang pinag samang kamay.
Nagtuloy ang pasa pasahan ng bola ng makita kong saakin na palapit ang bola. Hinanda ko ang kamay ko pero hindi ko ito kayang tirahin.
Natatakot ako sa bola. Tsk!
Pumikit ako ng makitang malapit na ito saakin. Tinira ko ito pero wala akong nasalong bola. Muli kong minulat ang mga mata at nakita si Larang nakaporma.
"Bakit ka pumikit?" Iritang tanong nya saakin.
"N-natatakot ako eh!" Ngusong sagot ko.
"Matatamaan ka kung matatakot at pipikit ka" matapang na sabi nya saakin.
"M-magagawa mo eh sa takot ako!" Pilit pinayayabang ang sariling asik ko.
"Bola lang pala katapat mo?" Singit ni Kyline sa bangayan namin ni Lara.
Hinarap ko si Kyline at nakitang sya ang may hawak ng bola.
Shiz.
"Mukang alam ko na kung paano pipindutin yung buton" ngising sabi nya sabay amba ng tira sa bola.
Muling sinalo ni Lara ang bola na dapat ay saakin. Nawalan sya ng balanse dahil sa sobrang lakas ng pag kaka palo ni kyline dito.
Dali dali kong nilapitan si Lara at pilit itinatayo. Nakita ko sa mga mukha nya ang sakit na nararamdaman.
"Hoy! Lara wag kang pakabayani! Hindi porket Principal ang Daddy mo hindi ka namin papatulan! Wag kang bida!" Sigaw ni Mica habang pinag lalaruan ang bola.
Nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sakanila ng hinagis ni Mica ang bola sa ere na syang pinalo ni Kyline.
Nyeta!
Muling pumwesto si Lara sa harap ko kahit na may iniindang sakit.
"L-lara tamana!" Suway ko dito pero tumalon na sya at malakas na pinalo ito pabalik sakanila.
Nang makabalik sa lupa ang mga paa nya ay napansin ko ang nag pu pulahang pu pulsuhan nya.
"W-wag mo na saluhin hoy" suway ko habang hinihila ang gilid ng uniporme nya.
"Lara umalis ka nga dyan!" Naiinis na sigaw ni Kyline na muling pumwesto ng isa pang tira. "Isa pa Lara ikaw ang pupuntiryahin ko"
Nilingon ko ang kaibigan na pawis na pawis at gulong gulo ang itsura. Malayong malayo sa kilala kong Lara.
Nilingon ko din ang iba pa naming kasama na mukhang natatakot o dikaya'y naguguluhan na sa nagyayari.
Muling rumagasa ang umiikot na bola palapit saakin. Hinanda ko ang mga kamay at pilit hindi ipinikit ang mga mata.
Suntukin ko nalang kaya? Mas madali yun!
Kaagad kong iniba ang porma ng kamay at nang makitang malapit na ito ay sinuntok ko ito pataas.
"*preetttt* hindi pwede yang ganyan!" Pumito si sir habang papalapit saakin.
Nakakuyom parin ang ginamit kong kamao. Hindi ko ito ginagalaw dahil sa sobrang pagmamanhid ng mga ito.
"You can't use that method in volleyball"sabi nya at ipinakita pa saakin ang tamang porma ng kamay.
"Sir, ikamamatay ko pag ganyan" tanging nasagot ko nalang dito.
YOU ARE READING
This Means War (On-Going and Under editing)
Fanfic'To this War. You're not my soldier either my super hero You're an Antagonist and This Means War.' Story Starts: July 15, 2018 Story Ends: (On-Going)