Chapter 14: In Exchange

20 7 3
                                    

Kalalabas ko lang ng  banyo kaya akin pang pinapatuyo ang basa kong buhok ng marinig ko ang sigaw ni Yuuna sa labas.


"Lola, pasok na po ako"


Bahagya kong binuksan ang pintuan para masilip sya, ngunit saktong pagbukas ko ang syang pag alis nya.


Muli akong pumasok sa loob at dinungaw ang wallclock.


"6:09 palang" bulong ko ng makita kung gaano kaaga.


Kaagad akong pumunta sa mini resto at kinain ang nakahanda ng pagkain.


"Lola bat ang aga nun?" Tanong ko kay lola na nag aayos ng mga table.


"May dadaanan daw sya. Ay nako ewan ko sa batang iyon"sagot nya saakin habang nag pupunas ng mga ito.


"Baka sa kung saan yun pumunta lola" ngumunguyang sabi ko.


Hindi naman sa inaakusahan ko sya pero meron parin syang ugali ng pagiging barumbado.


"Hindi naman siguro. Bumait na ang batang iyon. Kahit na pabalang sya makisalamuha ay alam ko may nag bago sakanya. Marahil ay natatakot lang magtiwala, hindi kasi basta basta ang dinanas ng batang iyon noon." tumigil sya sa pag pupunas at sinabi ang mga ito.


Napatango tango nalang ako sa narinig kay lola.


Sabi na eh. May nagbago talaga. Pero yung dinanas nya noon? Ano nangyari at nag kaganoon sya.


YUUNA'S POV


"Oh? Ano na yung sasabihin mo?" Tanong ko sa lalaking balot na balot ng leather jacket.


Akala mo nasa Korea parin. Tsa!

"Si Axel. Umuwi na sya galing ibang bansa...." Seryosong sabi niya. "Ang masama...hinahanap ka nya saakin" pag papatuloy nya.


Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.


Buhay pa yun?!


"Hindi sinabi ni papa na dinala nya ako kay lola?" Iritang tanong ko dito.


"Siguro, dahil hanggang ngayon ay hindi nya parin alam kung nasaan ang magaling nyang kapatid"


Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga.


"Kino-contact ka daw nya pero dahil sabi mo ngang nawala cellphone mo hindi kayo makapag usap" dagdag niya.


Paniguradong katapusan ko na pag nagkita kami.


"Dapat sinabi mong nakila lola ako!" Iritang sigaw ko sakanya.


"Nahingi pa ako ng permiso sayo. Malay ko bang gusto mong makita ang kuya mo" namulsa sya saka bumuntong hininga


"Ci-k" tawag ko dito. Seryoso nya lang akong tinignan habang iniintay ang sasabihin ko. "F-favor"


Lumitaw ang nakakaloko nyang mga ngisi na nagpakilabot sa buong sistema ko.


"Sabihin mo sakanya magkita kami sa *place* wag kay lola. Wag dun sa bahay. Pwede ba yun ha?Ci-k?"


"Kapalit? Hindi ako tumatanggap ng utos ng walang kapalit" ngising sagot nya.


Napayuko ako at napabuntong hininga. Alam ko. Lahat may kapalit pagdating sakanya.


"Hindi na ako babalik sa grupo Ci-k" malumanay na sabi ko.

This Means War (On-Going and Under editing) Where stories live. Discover now