Chapter 17:YOU!!!??

25 6 0
                                    

A/N: Sa mga hindi nakakalam naiba po yung Chapter 16 😅 ThankyouKamsa.😁


YUUNA'S POV


Matapos umabsent ng isang araw ay napag disisyunan ko nang pumasok kinabukasan.


"Hoy! Yuhri! Ayusin mo naman! Pag ako talaga nahulog dito" sigaw ko sa nag lolokong si Yuhri.


Matapos ang nangyari nung madaling araw ay napag isipan kong wag nalang pansinin ang katahimikang namagitan saamin dahil baka lasing kami pareho sa problema.


"Teka nga!" Marahan ko syang tinulak para patigilin ang bike na ginawa nya naman.


"Letse! Mag lalakad nalang ako!"


"Eto naman! Aayusin ko na" sinundan nya ako habang marahang pinipidal ang pidalan.


"Ayoko na!" Nag tatakbo na ako papasok sa loob ng school. Malapit narin naman kaya pumayag na akong maglakad.


Hindi ko na sya inintay matapos sa pag lo- lock ng bike nya kaya nauna akong makarating sa room. Wala pa si Lara kaya wala pa akong madaldal.




"Tsk! Pumasok pa!" Rinig kong asik ni kyline.




Binaba ko ang bag sa table at dahan dahan syang nilapitan.




"Ano bang problema mo? Tigilan mo na nga ako dahil baka pag hindi na ako nakapag timpi sayo gawan kita ng sariling lamay. Yung para sayo lang"




Napapalunok syang nag iwas ng tingin habang pinag lalaruan ang ballpen nya.




Pabalik na sana ako sa table ko ng mahagip ng mata ko si Yuhri sa pintuan at ang sama ng tingin sakin.




Nag make face lang ako sakanya bago nag tuloy sa upuan ko. Sinundan nya ako ng tingin habang palapit sa table nya.




"Anong ginagawa mo?" Kunot noong tanong nya.




"Nakikipag--"




"Yunna!" Sigaw ni Lara habang papasok ng room.




Binuksan ko ang mga braso ko para salubungin ang yakap nya.




Yan ganyan Yuuna.


Bahagya kong napasandal kay yuhri dahil sa sobrang lakas ng pwersang binigay ni Lara saakin.




Hindi ako nakapag concentrate kay Lara dahil ramdam ko ang maiinit na hininga ni Yuhri sa batok ko.




"Namiss kita!"inalog alog pa ako ni Lara na nag pabalik saakin sa reyalidad.


"A-ah! O-oo!" Tanging nasagot ko.


"Tss" asik ni Yuhri na nag patayo sa balahibo sa buong katawan ko.




Umalis na sya sa likuran ko kaya nawala na ang kabang bumabalot saakin kanina.


Sabi na hindi talaga nagiging maganda pakiramdam ko kapag magkasama kami.

Alam kong may something pero ayokong pag tuunan iyon ng pansin. Ayoko nun.


Nag kuwentuhan lang kami ni Lara at nag pahiram din ng notes nila kahapon. Nag ring na ang bell hudyat na mag sisimula na ang klase.


"Okay class. Lets proceed --oh! Miss Gonzaga nakapasok kana. Kamusta ang lagay mo?" Baling nito saakin.


"O-okay na po" nahihiyang sagot ko dito.




Nilingon ako ng halos lahat ng kaklase ko kasama na doon sila kyline.




"Actually madami pa akong itatanong sayo kaya mamayang lunch pwede ba dumaan ka sa office ko?"




Nilingon ko muna si Lara bago tumango sakanya. "S-sige po"




Pangatlong subject na namin ng dalawin nanaman ako ng pagiging antukin.




Hindi. Hindi na pwede!!! Ayoko ng punishment!!


Pilit kong iminumulat ang mata ko. kung maaari ay hawakan ko pa ito para hindi magsara.




Nauntog ako sa table ng lumagpak ang ulo ko mula sa pagkaka pangalumbaba. May narinig akong tumawa na kaagad kong hinanap.




Sinamaan ko ng tingin si Izen nasa harap ni Yuhri na katapat naman ni Lara.


"Alam mo bang lahat ng tumatawa saakin nababaog?" Mataman ko syang tinitigan.


Umiling lang sya sakin bago ibalik ang tingin sa unahan.

Sa susunod mag dadala na ako ng mangangata para hindi ma bored.


Itinuon ko nalang ang tingin sa labas at binilang ang bawat estudyanteng dumaraan ng marinig kong mag bukas ang pintuan. Hindi ko ito nilingon at nag tuloy sa pag tunganga doon.




"May balak ka papalang pumasok Mr.Lopez?" Tanong ni sir.




Lopez?


Napaisip ako kung sinong kaklase ko ang may Lopez na apilyido. Imbis na mag isip pa ay akin nalang itong nilingon. At laking gulat ko ng si naithan ang kausap ni sir.




Napapakamot itong tumatawa habang iniiwas ang tingin. Nag tama ang tingin namin na agad kong binigyan ng nag tatakang tingin. Inirapan nya lang ako bago ibalik muli kay sir ang tingin.


"Sya! Sya!bumalik ka na sa upuan mo!"


Upuan!? Kaklase ko nga sya?!


Napaisip ako kung anong upuan ang tinutukoy nila dahil wala nang ibang bakanteng upuan dito maliban sa pinag lalagyan ko ng bag sa tabi ko.


Kunot noo ko syang pinanood palapit sa bakanteng upuan sa tabi ko.


"Anong ginagawa mo dito?! A1 ka diba?!" Iritang bulong ko dito.


"Sinabi ko ba yun?" Kunwaring inusenteng sabi niya.


"May problema ba Ms.Gonzaga?" Baling saakin ni sir.


"A-ah, wala po"


Inayos ko ang upo ko at padabog na inalis ang bag ko sa 'table' nya pala.


"I need explanation Mr." Sabi ko habang nasa unahan ang tingin.


Tanging tawa lang ang narinig ko sakanya na nag pa putok sa mga ugat ko sa ulo.


To be Continue...

This Means War (On-Going and Under editing) Where stories live. Discover now