NAITHAN'S POV
Kagaya ng usapan ako nga ang nag hanap ng bag nya habang sya naman ay tinatapos ang punishment nya.
Nag simula akong mag hanap ng 6:30 pero 7:48 na hindi ko parin makita.
Kung saan saang sulok na ako nag hanap pero wala akong makita. Nag patulong nadin ako sa mga Janitor para mapabilis ang pag hahanap. Tatawagan ko sana si yuuna ng maalalang wala pa akong number nya.
"Hindi paba kayo tapos dyan?" Rinig kong bulong ng kung sino.
Nilingon ko ito at sinilip. Likod na ito ng school at bihira lang na mag katao dito laluna na sa ganitong disi-oras ng gabi.
"Saglit lang pwede ba?" Boses2
"Pati ba itong phone tatapon na natin?" Boses 3
"Oo! Lahat itapon mo!" Boses 1
Kilala ko ang mga boses na ito. Dahan dahan akong lumabas sa tinataguang building at laking gulat nila ng makita ako.
"N-naithan" nauutal na sabi ni kyline.
"Lagot" bulong naman ni tabs na may subong lolli pop sa bibig. Nilingon ko ang hawak nya at nakitang hawak nya ang bag ni Yuuna.
Nangunot ang noo ko at kaagad itong inagaw, sinilip ko ang loob at wala na ang nga laman nito.
"Nasan yung laman?!" Sigaw ko sakanila.
"A-ano kasi...n-naithan..." hindi mapakaling sabi ni Lea.
Nilingon ko sya at nakaturo sya sa bangin sa likod ng malaking pader.
"B-bakit kaba nandito ha?!" Sigaw saakin ni kyline.
"Hinahanap ko kasi to!" Inangat ko ang bag at winasiwas.
"Bakit mo naman hahanapin yan!? Hindi naman sayo yan ah!" Bira ni kyline.
Sa kanilang tatlo si kyline lang ang may lakas ng loob na sumagot saakin. Palibhasa may sinasabi sa buhay at abot ang pamilya namin.
"Wag ka nangang mangialam dito naithan!" Inirapan nya ako saka lumapit at pilit inagaw ang bag.
"Kyline mas lalong hindi ito sayo kaya hindi mo pwedeng basta itapon"
Lumapit pa ang dalawa at pilit inagaw ang bag. Malakas ang pwersa nila kaya kapag binitawan ko ito ay tyak na titilapon sila. Iyon nga ang ginawa ko at natumba silang tatlo sa putik.
"Yuck!"
"Wahhh"
"Yung damit koooo"
Hindi ko sila pinansin at kinuha na yung bag at umalis na.
"Hoy naithan! Akin na yan!--- yuckk" hindi sya nakatayo dahil sa sobrang pandidiri.
Hawak ko na ang bag pero wala namang laman. Hindi ko alam kung paano ito sasabihin kay Yuuna. Papunta na akong field ng makita si Yuuna at Yuhri na paalis. Tumigil ako sa pag lapit doon at pinanood lang silang umalis.
Nakita kong nagawi ang tingin ni Yuhri dito,nag palitan kami ng matatalim na titig ng bigla syang ngumisi.
Inambahan ko sya pero inalis na nya ang tingin saakin.
"Tsh!"
Inakbayan ni Yuhri si Yuuna na halatang naiirita dahil pilit na inaalis ang mga kamay nito.
May sinigaw si yuhri na nag pakuyom sa mga kamao ko.
Babe?
Binaba ko ang mga tingin sa paanan at sa kamao kong nakakuyom. Tinignan ko ang maduming bag at inangat ito.
"Mukang nakalimutan na tayo" ibinaba ko ang bag at nag simua ng maglakad papuntang parking lot.
Kahit malayo pa sa sasakyan ay akin nang pinindot ang susi upang bumukas.
"Pasok " sabi ko sa bag at hinagis ito sa loob.
Kaagad kong binuhay ang sasakyan at pinaandar ito.
Kasakukuyan akong nag mamaneho ng sumagi sa isipan ko ang pag alis ni Yuuna at Yuhri. May usapan kaming mag intayan pero sumama lang sya sa iba. Tsk.
Nilingon ko ang bag at pinag aralan.
Nang makarating sa bahay ay pinag buksan kaagad ako ng mga katulong.
"Ginabi ka ata naithan " sabi ni manang cora.
"May ginawa lang po" sagot ko dito.
"Ano iyan?" Bigay pansin nya sa hawak kong bag.
"Ah, wala lang po. Paki tapon nanga ho" inabot ko kay manang at pumasok na sa loob ng habay.
"Itatapon ko na talaga?" Tanong nya muli.
Inangat ko ang kamay bilang pag 'oo'
Tumaas na ako sa kwarto ko at naligo. Habang dumadanas ang mainit init na tubig sa aking muka at katawan ay naisip ko ito muli.
"Me? How about me? " bulong ko sa sarili.
Kung naisip nya ako ay sana tinawagan o tinext nya ako, kung wala naman syang number ay kay yuhri paniguradong meron sya. Old friend eh.
Paano kung hindi ko nakita na paalis na sya? Pag iintayin nya ako don? Malamang iintayin ko sya dahil may usapan kami.
Pero sana ganoon din sya.
Nang natapos maligo ay kaagad na akong nag ayos sa pag tulog. Wala na akong gana kumain ng hapunan kaya matutulog na ako. Pinikit ko ang mga mata at pilit pinatulog ang sarili.
YOU ARE READING
This Means War (On-Going and Under editing)
Fanfic'To this War. You're not my soldier either my super hero You're an Antagonist and This Means War.' Story Starts: July 15, 2018 Story Ends: (On-Going)