Chapter 5: Punishment

40 9 1
                                    

Hindi ko alam kung bakit o paano nya yun naisip.




Porket pinapanood o tinitignan type na agad? Hindi ba pwedeng nakukuha nya lang yung attention ko?




Sino banamang tanga ang tatakbo sa tirik na tirik na araw ?




Nag simula na mag discuss si maam pero hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa labas.




Dahil sa matagal na panonood ko sakanya. Hindi maiiwasang mapatingin ako sa mga mukha nya.




Pawis na pawis pero hindi maikakaila ang kagwapuhan. Tumigil sya bigla, sa sobrang pagkapagod ay hinawakan nya ang mga tuhod at doon mabibigat na huminga.




Nangmahimas masan ay laking gumat ko ng dito tumama ang mga mata nya.




Napatalon ako sa sobrang pagkagulat kaya naagaw ko ang atensyon ng mga nakapaligid saakin at isa na doon si Lara at Yuhri




"Okay kalang Yuuna?"tanong saakin ni Lara.




Tanging ngiti at nood nalang ang sinagot ko sakanya.  Bagamat hindi kontento sa sagot ko  ibinalik nya parin ang tingin sa harap.




Nilingon ko si Yuhri at nakatingin sya sa bintana. Ang sama ng tingin nya dito.




Binalik ko muli ang tingin sa labas at nakatingin sya sakin.




Shet.




Iniiwas ko nalang ang tingin ko at nag focus na sa pakiinig kay maam.




Lumipas pa ang ilang mga oras at uwian na.




"Tara na Yuuna!" Ngiting tawag saakin ni Lara

This Means War (On-Going and Under editing) Where stories live. Discover now