A/N: Francine Vielle Linezo's Picture sa taas ^-^
YUUNA'S POV
"Anak ka ng nanay mo! Sabi mo A1 kan--"
"Wala akong sinasabi Yuuna" natatawang sagot nya bago isubo ang pagkain.
Napaisip ako sa sinabi nya. Oo nga wala syang sinabi, ako lang itong nag isip na A1 sya.
"K-kahit na! Dapat sinabi mong A ka pala para hindi ako nagugulat sa bigla bigla mong pagsulpot!" Napapahiyang asik ko.
"Bakit ba gulat na gulat ka?" Ngising tanong nito saakin.
"Hindi no! Hindi sa ganon!Wala lang akong pag lalagyan ng bag!" Iniwas ko ang tingin at kinuha ang pagkain sa ilalim ng lamesa.
"Ngapala" sabi nya kaya napalingon ako sakanya.
"Di mo pa nakikita?"
Huh?
"Di nakikita ang alin?" Takang tanong ko dito.
"Etooo" lumapit sya saakin kaya bahagya akong napaatras. Nakita kong may kinukuha sya sa ilalim ng table ko.
"Anong kinukuha mo--"
"Wag ka malikot. Mahahalikan kita" ngising putol nya saakin.
Napakagat ako ng labi ng mapansin kung gaano kalapit ang mga mukha namin. Pakiramdam ko'y ang pula pula na ng mukha ko kaya't napaiwas ako ng tingin.
"Eto oh" hindi ko napansin na malayo na sya saakin sa sobrang paglutang ng isip ko.
Laking gulat ko nang makita kung anong nilabas nya. Yung box ng Cellphone.
"Iyo yan?!" Gulat na tanong ko.
"Ang tagal ko na tong nilagay dyan!" Sabi nya habang nilalabas ang Cellphone sa kahon nito.
"Bakit mo naman iniwan dito?" Turo ko sa ilalim ng table ko.
"Para kasi sayo to" nang iirap na sabi nya.
Tss. Pasalamat ka cool ka mangirap.
"B-bakit mo naman ibibigay sakin yan?"
"Diba nawala yung cellphone mo nung hinahanap ko yung bag mo?-"
"Hindi mo naman kailangang paltan! Hindi naman ikaw ang nag wala!"
"Nandito na to eh. Kunin mo na! " pilit nya itong inaabot saakin.
Hinawakan nya ang pupulsuhan ko at pilit inilalagay sa mga kamay ko.
Tumigil sya bigla kasabay ng pag seseryoso ng mukha.
Ano nanaman yan? Bakit ganon ang mga lalaki. Ang bilis mag palit ng mood. Parang Araw araw may dalaw. Amp.
"Ayaw mo talaga?" Seryosong tanong niya.
"An--
"Sige tapon ko nalang. Hindi ko din naman gagamitin" akma syang tatayo na kaya agad kong hinawakan ang kamay nya.
Asar! Sayang din yun! Hindi ko na kailangang mag ipon para makabili ng cellphone.
"H-hindi!" Doon palang sa isang salitang iyon ay napalabas ko na ang ngisi niya.
YOU ARE READING
This Means War (On-Going and Under editing)
Fanfiction'To this War. You're not my soldier either my super hero You're an Antagonist and This Means War.' Story Starts: July 15, 2018 Story Ends: (On-Going)