alaala

237 14 2
                                    

"ala ala"

beshie kamusta ka na ba? naaalala mo pa kaya ako? ako na naging bestfriend mo.

pangalawang buwan palang ng pasukan naging kaibigan na kita.
ang gaan kasi ng loob ko pag lagi kitang nakikitang masaya.

ang sarap mo palang titigan pag naka ngiti ka. yung ngiti mo na abot ng mga mata.

naaalala mo pa ba yung panahon na naging bestfriend kita?

ito yung oras ng uwian at inaya mo ako sa kantina at pumunta tayong dalawa.
bumili tayo ng ice cream at tska Nata.

ang saya natin nung papasok na ulit tayong dalawa.
nagulat ako nung tawagin mo akong 'beshie' kasabay ng pag ka hulog nung ice cream saking mga paa.

napansin mo ata na natulala ako kaya ikaw na ang nag punas ng mga mantsya sa aking medyas kahit may ibang nakakakita.
naaalala mo pa ba yung una nating pagkanta.
naaalala mo pa ba yung pag hawak ko sa kamay mo kahit na pasmado ka.

naaalala mo pa ba yung ginagawa kong pag yakap sayo kahit may ibang nakakakita.

naaalala mo pa ba yung pag tulong mo sa akin mag aral at gumawa ng mga leksyon sa matimatika. naaalala mo pa ba yung ikaw yung nag susulat sa aking kwaderno pag ako ay pagod na.

naaalala mo pa ba yung pag s-solo
nating dalawa... ayun yung oras na nagtampo ang ibang barkada.

naalala mo pa ba yung pag sabi mo ng mahal kita kahit nasa kabilang dako kapa.

naaalala mo pa ba yung pag tawag mo sakin ng beshie kahit mag mukha kang bakla sa harap nila.

bawat sulok ng paaralan ay may magaganda tayong alaala.
sa kantina. sa librarya.
at kahit sa ilalim ng lamesa may alaala tayong dalawa.
naaalala mo pa ba? naaalala mo pa kaya?

kasi ako, alalang alala ko pa...

mayroon pa pala akong isang na alala.
ito yung oras na nag papaalam kana, di kita naiintindihan kaya ito'y aking isinawalang bahala..

isang araw nakita kita pero dinaanan mo lang ako na parang bula.

kasi bubuo kana pala ng bagong ala ala kasama sya.

kinabukasan kinausap kita. at sinabi ko sayo na "salamat sa mga alaala"
at sa huling pag kakataon nasabi ko din sayo na mahal pa din kita kahit iba na ang kasama mo bumuo ng sariling storya na hindi ako kasama.

Beshie, Salamat sa mga alaala

Tagalog Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon