Sorry.
paulit ulit kong sinasambit pag sinasabi mong nasasaktan kita.
mahal kita.
paulit ulit kong pinaparamdam at sayo ay pinapaalala.Di pag kakaunawaan.
paulit ulit na nangyayari sa storya nating dalawa.Dalawa? dalawa lang ba tayo talaga o baka naman naisama mo nasya?
mahal sorry na.
sorry kung ako ay selosa.
mahal, alam mo naman na mahal kita diba?
pinapaalala ko naman sayo yan kahit gising o tulog ka.
naaalala mo?
hindi naman sa sinusumbatan kita pero mahal.
alam mo ba?
alam mo ba kung ilang beses mo akong nasaktan pero ininda ko ba? mahal sana alam mo kasi sobrang sakit na.
yung sakit na parang ang puso ko ay sasabog na.
ayaw ng tumibok.
ayaw ng tumibok ng sabihin mo sa akin na "pagod na din ako"
mahal naman.
sorry ulit kung sumuko ako agad pero mahal.
nangako ka.
mahal kita pero tama na.
tama na.
tama na.
Tama na? pero mahal di ko kaya na wala ka.
pigilan mo ako.
sana pigilan mo ako sa sinabi kong "tigil na natin to"
pero ano? tatawa ba ako sa sagot mo?
tatawa na ba ko sa "OK" mo?
ayokong bumitaw.
pero mahal ako'y giniginaw.
di ako sanay sa lamig na ito sinanay mo kasi ako sa init ng pag mamahal mo.
pero titigilan ko na ah.
sawa na din ako.
mahal,sorry sa pananakit sayo.
sana sumaya kana dyan sa bago mo.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Words
PoetryTula para sa aking iniibig Tula na nag sisilbing patunay sa tapat na pag mamahal ko sayo irog