Isa,Dalawa,Tatlo,
ilang araw pa ba ang papalipasin para ako ay iyong mapansin.
ilang buwan pa ba ang bibilangin para ako'y mahalin mo din.
tama pa kaya na ikaw padin ang mahalin ko?
tama pa kaya ang pag bilang ko gamit ang isa, dalawa, tatlo.
ginagamit ko lang naman yan batay sa alam ko.ISA.
iisa isahin ko yung mga nagustuhan ko sayo.
Maganda yung mga mata mo na naniningkit sa pag ngiti mo.yung ugali mo na medyo magulo at mahirap intindihin kung di papalawakin ang pag tuklas dito.
kasi yung ugali mo ay parang buhok mo.
kulot at gulo-gulo pero bagay pa din sayo.
yung talento mo. yung pagkanta at pagiging matalino mo.DALAWA.
dalawa lang ang dapat na kasali sa kwento.
yun ay ikaw at ako. "TAYO"
pero... pwede din namang anim tayo.
ikaw,ako.
magulang mo.
magulang ko.TATLO.
tatlo lang pala tayo.
ikaw,SYA,ako.akala ko sasaya na tayo kahit kaibigan mo lang ako.
pero dumating sya.
Sya na nag hiwalay sating dalawa.DALAWA.
mali ang bilang ko pero ito yung totoo.
okay na sana kahit tatlo tayo.
ikaw,Sya,ako.kasi kahit nandyan sya ramdam ko kasama parin ako.
pero pang PANSAMANTALA lang pala ako.dahil nawala ako sa storyang may ikaw,SYA at ako.
at KAYO nalang ang natira sa storyang binuo nating dalawa nung una.
pero nung una lang pala.
kasi ako yung taong PANSAMANTALA lang.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Words
PoetryTula para sa aking iniibig Tula na nag sisilbing patunay sa tapat na pag mamahal ko sayo irog