---------------Unang marinig ang himig mo na sa akin ay nagpabighanig
Hindi malilimutan ang mga oras na bawat araw na ika'y kausap ay puno ng pananabik
Hindi ko malaman kung ano ang mayroon sayo na tipong araw araw kong ninanais
Bawat oras na ika'y kausap kasiyahan ang nananalig
Ito na nga ba ang tinatawag na pag ibig?Nag simula tayo sa simpleng asaran na tipong pati ang storya natin na iba ang katambalan ay napag uusapan at hindi ko alam at hindi natin namamalayan na sa huli tayo ang mag kakahulugan
Dito na ba mag sisimula ang unang yugto nang tinatawag kong aklat ng pag ibig?
Aklat ng pag ibig na kung saan tayo naman ang tambalan, storya kung saan tayo ang nag mamahalanUnang pahina ng ating storya ay walang sino man ang iibig
Ngunit dahil ikaw ang konsepto hindi man nakakabighanig sa paningin ng iba ay hindi ito hadlang para magustuhan kitaPangalawang pahina ng tinatawag nating aklat ng pag ibig, madami na ang tumututol sa atin at pumipigil
Naisip ko man na sukuan ang ating tambalan, ngunit nag bago ito ng bigkasin mo ang katagang...
"mahal magtiwala ka hindi kita susukuan"Pangatlong pahina at unti unti ng nalalagpasan ang ating mga problema tila ako'y naka luwag sa paghinga mahal ngayon ay tayo'y nakasisigurado na
pag ibig natin ay hindi na mahahadlangan ng ibaHuling pahina ng aklat ng pag ibig nating dalawa, bawat pahina'y hindi man laging puro saya
Ngunit nag tagal tayo at nakontento sa isa't isaHuling mensahe ng aklat ng pag ibig nating dalawa ay nag lalahad ng liham natin para sa isa't isa
Ang liham na nag sasabi na
"mahal kinaya nating dalawa"
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Words
PoesíaTula para sa aking iniibig Tula na nag sisilbing patunay sa tapat na pag mamahal ko sayo irog