Storya

106 6 1
                                    

Saan ko ba sisimulan ang pag kwento ng storya nating dalawa sa kanila?

sa umpisa? sa gitna? o sa dulo kung saan nagtapos ang storya na binuo nating dalawa.

sige. uumpisahan ko na.

pang aasar ng mga kaklase...
dyan tayo nag umpisa.

naging katabi mo yung kaibigan ko.
alam ko sa sarili ko na malikot ako.
kaya nga lumipat ako sa tabi nya at nakita kita.

manghihiram lang naman sana ako ng ballpen pero nakita kita.
kaya nanatili ano sa tabi nya at pasimpleng tinitignan ka.

ang sarap kasi tignan ng mga ngiti mo.
a

y teka.
nakalimutan ko yung ballpen na hinihiram ko.
nakita ko yung ballpen natinuro ng kaibigan ko.
kaya kinuha ko.
pero sayo pala yun kaya inabot ko sayo yung ballpen mo pero nahawakan ko yung kamay mo.
di ko makakalimutan yun kasi dun nag simula ang pagiging magkaibigan natin.

sa gitna. kung saan naging BESTFRIEND tayo.
kung saan pwede kitang matawag na BOYBESTFRIEND at matawag mo ako ng GIRLBESTFRIEND.

atleast kahit dun.
nagkaroon tayo ng label.
paniguradong panigurado ako na bestfriend na ang turing mo.
kasi tinawag mo pa nga akong beshie nung nasa hagdan tayo.

sa dulo.
kung saan umamin ako sayo.
na mahal na kita.
hindi bilang bestfriend lang.
nahulog na ko sayo.
pero yung ginawa mo?
di mo ko iniwasan at nag pagtuloy lang ang ating pagkakaibigan.

pero bakit bago pa matapos ang ating pagiging elementary ay nanlamig ka na?
akala ko walang iwanan.
pero iniwan mo parin ako ng walang dahilan.

.
.
.
.
teka naaalala ko na pala yung dahilan kaya mo ko iniwan.
kaya mo lang naman ako iniwan kasi nakahanap ka na ng bago.

paano ko nalaman?
nakita ko lang naman kayo na nag tatawanan.
habang ako hinihintay ka sa ating tagpuan na pinag kasunduan.

kaya pala.
kaya pala ako naiwang magisa. samantalang ikaw masaya ka kasama sya.
pero okay lang.
kasi masaya na ako makita ka lang na masaya.
ngiti mo lang ako'y masaya na.

Tagalog Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon