bata pa kaya ako? tayo.
siguro...oo.kasi pakiramdam ko.
naglalaro lang tayo.
teka ano kayang laro to?
tagutaguan.habulan. tumbang preso.siguro nag tataka kayo kung bakit di ko alam.
siguro nagtataka kayo kasi sa dami ng laro sa tatlo lang na'yun nakunekta ang storya na ito.
Oo tatlo lang. bakit?
kasi ito na ang dahilan
.
.
.
.
.
kung tagu-taguan to.
sino ang taya.
sino ang nagtatago at sino ang naghahanap.
ako ba?
kung ako ang naghahanap saan kita hahanapin.
sa likod?
sa likod ng bahay o bakuran.
wala ka.
sa ilalim ng puno. wala ka.
teka,di ko pa pala natingnan sa parke na paborito nating dalawa.
at sa wakas nakita na kita pero may kasama ka nang iba.paano kung ako yung nagtatago?
hahanapin mo rin ba ako.
hahanapin mo pa rin ba ako kahit napuntahan mo na lahat ng lugar na ating paborito.
hahanapin mo ba ako kahit makarating ka sa kabilang dako.
sana hanapin mo rin ako
kasi pag nahanap mo na ako.
wala akong kasamang iba kasi alam ko na ikaw lang ang gusto ko.
.
.
.
paano kung habulan.
ako ang taya.
hahabulin kita kahit mag mukha pa akong tanga.
hahabulin kita kahit magtago ka pa.
papayag ako.
kasi wala akong magagawa.
kasi mahal kita.at sa wakas naabutan din kita.
kasi nag papahinga ka sa sulok habang tumatawa.
mukha kang tanga.
gusto kong tumawa ng malakas kaso baka malaman mo na mahuhuli na kita.
kaya lumapit ako at nakita ko na hawak mo ang kamay nya.
kaya pala.
kaya pala tumakbo ka para di na kita maabutan.
at para makasama mo na sya.
at iwan akong umiiyak ng mag isa.
.
.
tumbang preso ba?
ako yung lata
at ikaw yung tsinelas.handa akong masaktan kasi mahal kita.
handa akong masugatan basta akin ka.
pero labis akong nag taka kasi dalawa yung tsinelas na tumatama sa akin para makaramdam ako ng labis na sakit.
dun kulang nalaman na tatlo pala tayong nasa laro.
kayo ang tsinelas at ako ang lata.
gusto ko ng matumba...
kasi makita lang kitang masaya sapat na.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Words
PuisiTula para sa aking iniibig Tula na nag sisilbing patunay sa tapat na pag mamahal ko sayo irog