Anong kaya mo?

47 5 0
                                    

Kaya kong magkunwari sa harap ng maraming tao.
Kaya kong ngumiti kahit na durog na durog na ko.
Kaya kong maging malakas kahit hinang-hina na ko, kasi mapagpanggap ako.
Nagpapanggap lang naman ako.
Nagpapanggap na maging bato kahit na ang totoo, isa na lamang akong salaming basag na nagkanda pira-piraso.
Hindi mo naman kasi magawang pulutin ako
Pag ikaw nabubog, ewan ko na lang sayo.
May isa pa, kaya ko rin matulog nang basa ang unan ko.
Ay mali, hindi nga pala ko natutulog kasi kaya kong magpuyat at manatiling mulat.
Mulat sa kahibangan ko.
Sa kahibangan na kailanman hindi magiging katotohanan.
Hindi naman sa pagmamayabang, pero kaya kong maging "sya" sa harapan mo.
Kung gusto mo naman, kaya ko rin maging payaso.
Teka nga muna, bago ko makalimutan, kaya ko rin pa lang maging hangin at istatwa sa tabi mo.
Kaya kong maging sandalan kung kinakailangan.
Kung hindi mo naitatanong, kaya ko rin maging pantapal sa sugat mo.
Magaling naman ako.
Lahat napapagaling ko.
Ewan ko nga ba kung bakit ako lang ang hindi gumagaling sa sarili kong sugat.
Subalit ipagpaumanhin mo, ang hindi ko lamang kayang gawin ay ang pagsamahin ang mga salitang "IKAW" at "AKO" para mabuo at maging "TAYO."

Tagalog Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon