Araw at buwan

95 2 0
                                    

Umagang nakasikat ang araw
ang aninag ko ay kay liwanag
pero ng makita kita hindi mas lumiwanag pa.

sa bawat umaga ikaw ang akin nakikita na kakasaya bawat ngiti na iyong pinapakita

pero nakakalungkot kasi isang araw di tayo pwede magkita o mag sama
dahil may nag mamayari na sayong iba at binabakuran ka nya bawal na tayong magkita

ang araw na nakasanayan ko ay naglaho
araw na nasisilayan ko'y parang nakatago
araw na akala ko'y akin ngayon ay mag bago

masakit pero maganda
dahil ako ma'y nasaktan
nakikita parin kitang masaya
parang pag lubog ng araw pa punta sa kanluran
ay parang pag bisita mo sakin at nahulog ka sakanya ng tuluyan

iiyak na lang
iiyak habang minamasdan kang kasama sya
iiyak habang nagmamasid sainyong dalawa
iiyak sa saya dahil masaya ka sa piling nya

pero pag ka tapos pala ng lungkot ay mayroon pang saya

dahil pag ka tapos ng araw ay may magandang buwan na nag pakita
pinapaliwanag ang gabi na kay dilim
kasabay ng pag tulong ng mga tala sa pag ilaw sa gabing madilim
ay kasabay ng pag tulong mo sa akin na
bumangon at maging masaya

pinaramdam mo na pag ka tapos ng lungkot ko sa piling nya.
ay papalit ka at mag bibigay saya.

Tagalog Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon