unti unting pag lalaho

63 6 0
                                    

isang buwan ang lumipas at ang matitingkad na kulay ng dahon ang kumukupas.

kasabay ng pag kahulog nito sa sanga na kung saan ang sanga ay tayo.
at ang mga dahon ang nagsisilbing tanda.
tanda na na ako'y mahal mo pa at gustong panghawakan.
tanda na tayo ay nag mamahalan.

pero pagkatapos ng isang buwan na'yun ay ang pag buhos ng malakas na ulan.

ulan na parang ako ay dinadamayan.

dahil kasabay ng pag buhos ng malakas ng ulan ay ang pagkakita ko sa inyong dalawa na nag yayakapan.

at sa nakita ko ay ang mga luha na aking pinipigilan ay nag uunahan.

nag uunahan sa pagtulo na parang kasing bilis ng pagbitaw mo sa kamay ko.

at kasing bilis ng pag wawakas ng storya na noon ay masaya.

masaya. nung. wala. pa.sya.
nung wala pa ang babae na sisira sa ating dalawa.

teka.hindi pa tapos dahil ang tulang ito ay hindi kasing bilis matapos na gaya ng ating isang buwan na pagmamahalan.

matapos kitang makitang kasama at masaya sa kanya.
sabi ko sa aking sarili ay papalayain na kita dahil baka sa iba ay maaari akong sumaya.
at nakita ko sya.
sya na nag pasaya sakin na sa palagay ko ay nahigitan ka.
pero mawawala pala ang saya pag na kita ko nanaman kayo na mag kasama.

hiniwalayan ko sya.
dahil gusto kong balikan ka.
pero di ko na isip na bago ko iwan sya.
babalik ka pa ba.
kahit alam kong hindi na
nag baka sakali pa din ako.

pero lumipas ang ilang linggo at ang pag asa ko ay nag laho.

namulat ako at nakita ko ang lalaking pinaglaruan ko lang.
pero sya pala ay napabilang na.
sa storya.
sa buhay.
at sa taong ako ay napasaya.
kaya mahal.
paalam na.

Tagalog Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon