Tula para sa aking tala

49 0 0
                                    


---------
Nag umpisa sa simpleng asaran
Napunta sa pagiging magkaibigan
Naging kausap at magdamag na nag bibiruan

Bawat ngiti mo'y sobrang halaga
Katulad ng mga tala na magaganda tila ba ikaw ang kakaiba
Mga ngiti na gumuguhit sa 'yong nga labi
tila ito na ang paborito kong ngiti

Bawat sulyap sayo'y kasing sarap ng pag titig sa mga ulap
Mga alaala kasama ka'y isang paraiso sa alipaap
Bawat ngiti na naibigay guhit mo sa aking mga labi ay dahilan ng pag ibig kong tapat

Ngunit kung babaliktarin at ako ang magiging tala,pipiliin mo ang tala na maganda at kumikinang habang ako'y iiwan mo nalang

Subalit pag katandaan mo ginoo ko
Ikaw lang ang gusto ko
Ngiti mo lang ang nais ko
Ikaw ang tala ko at ako ang buwan mo na papalitan mo pag nandyan na yung bubuo nang araw mo

Ginoo,nais kong malaman mo na ikaw ay iniibig ko, pag mamahal ko para sa iyo ay laging kita sa bawat kilos at galaw ko
Ikaw ang aking tala mahal ko
Pakatandaan mo
Malayo ka man at hindi ko mahagkan sa bisig ko
Iniibig kita ginoo
Hindi ko hahayaan na mapigilan tayo
Asahan mo na babalik ako at pag balik ko ay atin na ang mundo

Tagalog Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon