Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay mula sa dalawang salitang "sanay" at "salaysay". Ang isang mananalaysay ay isang taong "sanay magsalaysay".
MGA BAHAGI NG SANAYSAY
1. Panimula
– pinakamahalagang bahagi ng sanaysay dahil ito ang unang titingnan ng mga mambabasa. Dapat nakakapukaw ng damdamin at atensyon upang ipagpatuloy ng mga mambabasa ang pagbasa sa akda.
2. Katawan o nilalaman
– makikita dito ang pagtalakay sa mahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay. Dito din matatagpuan ang lahat ng ideya at pahayag ng mananalaysay.
3. Wakas
– nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; dito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.
![](https://img.wattpad.com/cover/155799571-288-k39271.jpg)
BINABASA MO ANG
Malikhaing Pagsulat: Mga Tula, Maikling Kwento, Dula at Sanaysay
FanfictionKalipunan ng iba't ibang mga akdang Pampanitikan na nasusulat sa wikang Filipino. Hlina't tuklasin ang natatagong sining ng ating Wikang Pambansa.