Araw Ko Ngayon

952 1 0
                                    


Umagang na naman. Panibagong pagsubok na naman ang aking haharapin. Panibagong palaisipan na naman ang gugulo sa akin. Haist, kapagod! 

"Linaaaaa!!!!!! Gumising kana, male-late kana naman!" sigaw ng sirena ng bombero este yung nanay ko pala yun. ano ba yan, tuwing umaga nalang palaging may sunog. 

"Anjan na ho, Nay." Bumangon na ako sa kama baka sumigaw na naman eh, nakakarindi rin.

ganito kami lagi sa bahay, si Nanay ang alarm clock ko sa umaga pero kahit siya pa ang alarm clock ko, late pa rin ako sa eskwela. ESKWELA! Hala!! Patay na naman ako sa guro naming bakla, mabuti sana kung lalaki ako, baka kinindatan ko lang yun pasa na ako kahit di pa ako pumasok sa klase niya. Ang malas ko naman talaga naging babae pa ako.

Nagmadali na akong nagbihis. Oo, di uso sakin ang maligo sa umaga, sa gabi lang siempre. Kumuha lang ako ng hotdog sa hapag at tinapay na prinito ata ni Nanay, nasa pan pa eh.

"Nay, alis na ho ako!"

"Aalis kana? Ang aga mo naman ata ngayon?" Ha? ang aga ko? Eh siya nga tung kung makasigaw akala mo hapon na eh. 

"Maaga nay? Anong oras na ho ba?" napahinto ako bigla dun sa unang sinabi ni nanay ah, haha makakapaglamierda pa ako sa daan kung maaga pa.

"Alas otso palang naman." WHHAAATT!!!!!! Alas otso ??? bangag ata si Nanay ngayon, alam niya namang alas syete ang pasok ko ehhhhh. Nubayan!!

"Nay naman eh, late na ako, alis na ho ako Nay. Paalam!!!" Sabi ko nalang sabay takbo matapos akong humalik sa pisngi niyang mamamasa-masa na ng pawis. Di ko alam kung dahil sa paglilinis kung saan siya naglinis o dahil ng zumba na naman.

Takba lang ako nang takbo nagbabakasakaling umabot pa sa susunod kong subject. Pahina nang pahina ang takbo ko nung napansin kong kukunti lang mga estudyanteng nakikita kong naglalakad patungong paaralan.

Hinihingal pa ako pagsapit ko sa may gate pero biglang lumalim ang hugot ko sa hininga ko nang may makit akong nakasabit sa harap ng deans office na "NO CLASSES TODAY". 

"T*****na, walang pasok? Bakiiittt!!!!!?????" Nailakas ko pa yata yun, pinagtitinginan ako ng mga iilang taong naroroon sa may gate eh. 

Ganito kasi yun, ang Deans Office namin ay nasa harap lang ng gate namin, bale pagkapasok mo pa lang sa gate, Dean's Office na agad ang makikita mo, kaya naman tuwing mga announcement ang paaralan namin ay ginagawang bulletin board ang Dean's Office. Iwan ko ba sa mga guro dito, kung pinagproject nalang sana yan nila sa management ng school eh di sana may bulletin board na kami diba.

Napaupo na lang ako sa isang bench na malapit sa akin. Nanghina ata ang tuhod ko dahil sa nalaman ko. Haist, kaimbyerna lang. Di na nga ako naligo kakamadali ko eh, tapos wala naman palang pasok.

tahimik akong nagmumuni-muni nang biglang may tumabi sakin sabay abot ng isang ice cream cone. "Uy, cornetto!" sigaw ko sabay kuha kaso di ko pa nahahawakan biglang nawala. -_- inilayo pala nung kung sinumang nag-abot sakin.

Dahil sa pagkadismaya ko, tumayo ako at naglakad palabas ng paaralan namin. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko hanggang sa umabot na ako sa playground. Napaupo ako sa swing. Ang malas ko ata ngayon, kanina binungangaan ako ni nanay, sunod nalaman kong walang pasok - tumakbo pa ako, tsk, tapos pinaasa ako dun sa cornetto T-T ngayon naman ito, lumampas ako sa kanto namin. waaahhhhh!!!! bakit ba ang malas ko ngayon!!!

Oo, hindi mali ang pagkabasa mo, lumampas nga tayo. Ganito kasi yun, yung bahay namin kasi ay kailangan pang pasukin kaya may kanto talaga siya. Wala kaming kapitbahay, halos puno ng mangga ang kapitbahay namin. 

Paglabas sa kanto namin may hiwalay na daan, ang pakanan iyon yung papuntang paaralan tapos yung sa kabila naman papuntang palaruan.

Medyo malapit-lapit kasi sa amin yung paaralan, kaya nga ako laging tinatanghali ng gising kasi nga malapit lang yung paaralan.

Gutom na ako. Anong araw nga ngayon? December???? Hala kaarawan ko pala! (Tampal sa noo) Nubanaman pati kaarawan ko nakalimutan ko. buti nalang walang pasok. Walang mangungulit sakin na palamunin sila, wala akong papakaining mga baboy! Hhahahahaha. Makauwi na nga at nang makakain ng luto ni Nanay, magrerequest ako ng masarap, total kaarawan ko naman.

Lakad. Lakad. Lakad. Malapit na ako sa kanto namin nang may mapansin akong nakatayo sa kanto. Parang may inaantay yata. Di bale, dadaan lang naman ako sa harap niya eh.

Lakad. Lakad. La... "Teka lang Lina." Ha? narinig ko ba pangalan ko? Lumingon ako dun sa estranghero. "Excuse lang po. tinawag niyo po ba pangalan ko?" Tanong ko dun sa boylet, gwapo eh.

"Oo, diba ikaw si Lina?" Hala ako nga. Pangalan ko nga binanggit niya. pero di ko naman siya kilala.

"Oo ako nga si Lina. Magkakilala ba tayo? Kilala ba kita?"

"Di mo na ba ako naaalala?" Tanong niya sakin. Sandali lang ha? Tinutukan ko nga yung mukha, may kahawig naman pero imposible yun, ang alam ko nasa abroad yun eh.

"Sino ka nga ulit?" Tanong ko nalang. Nagugutom na talaga ako eh, gusto ko nang umuwi.

"Di ka parin nagbabago, makakalimutin ka pa rin. Ako to si Lawrence." Ayan sinabi na niya pangalan niya.

"Hay Lawrence kumusta? Nagkita tayo ulit. Sige alis na ako, goodbye." Tuloy-tuloy kong sabi para lang matapos na lahat at makauwi na ako. Sabay bira ng talikod. Hahakbang na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko.

"Sandali lang naman Lina. Bakit ka ba nagmamadali?" Alangang di ako magmadali? Gutom na ako! Ngali-ngali kong sabihin pero di ko nalang itinuloy, baka isipin pa bastos akong tao.

"Bakit? May kailangan ka pa ba? Bilisan mo sabihinmo na, nagugutom na ako eh." Ayun di ko na napigilan, nasabi ko na talaga.

"HA? AHAHAHAHAHAHA. Yan lang talaga kalaban ko sa iyo mula noon hanggang ngayon, di ka nga nagbago. Maliban lang sa katawan mo." WAlangya, manyak pa ata to, eh.

"Ay ewan ko saiyo di kita maintindihan."

"Sandali lang Lina, kinalimutan mo na ba talaga ako? Panu na yong pangako mo sakin? nakalimutan mo na rin? Ngayon yung deadline nun ah."

Anong pangako? "Anong pangako ba yun? Tsaka ngayo lang naman kita nakilala ah, panu naman ako nangako sa iyo aber?"

"Nung Grade 6, Sabi mo pag 18 kana sasagutin mo na ako." Grade 6. Grade 6. Grade 6. (Nag-isip, kunyari may utak.) "Aha, grade 6! Ano ngang meron nun? di ko maalala eh."

"Hay naku, buti nalang talaga pinapirma kita ng kontrata dati." SAbi niya habang may kinakalikot sa bag niyang dala. "Oh. ito tingan mo, basahin mong pangalan."

Basa. Basa. Basa. "WAAAAAHHHH" 

"Oh bakit? anung nangyari?" 

"Si Lorenzo tung nasa picture eh, kaano-ano mo siya ? may balita ka ba sa kanya?" nubayan naman tung si kuya, hehehe nangako daw ako sa kanya eh kay Lorezo lang naman ako nangako datin. hehehe itong si kuya talaga feeler.

"Pasalamat ka mahal kita. (Bulong nung Lawrence.)" Bulong daw eh dinig ko naman. "Ako nga yung pinangakuan mo. Ayaw mo ba sa payat na ako? Gusto mo mataba pa rin ako para kilalanin mo ako ulit?"

"Eto naman makapagreak kala mo naman ang hina kong makapik-ap. (Totoo naman,eh)"Ganito nalang para makabawi ako sayo, punta tayong restaurant."

"Talaga? magdede-date tayo? @_@"

"Bangag ka ba? Hindi Pakakainin mo ako."

"HAHAHAHA, bahala na basta para sakin date na din yun." ewan ko sayo. Pero masaya ako at binalikan mo ako aking Lorenzo. Bunos pa kasi ang gwapo mo ngayon, noon pa man ang cute mo na, nung chubby kapa.

"Anong ngini-ngiti mo jan?"

"Wala naman, iniisip ko lang yung mga foods hahaha. Eat all you can naaa!!!" ARAW KO NGAYON! YES!

Malikhaing Pagsulat: Mga Tula, Maikling Kwento, Dula at SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon