TULA

1.6K 4 0
                                    


- Ito ay ang masining na pagsasama-sama ng mga salita na may sukat at tugma

ANYO NG TULA

1. Tadisyunal – ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.

2. May malayang taludturan – isang tula na walang sinusunod na patakaran kung hindi anuman ang naisin ng sumulat.

3. Berso blanko – ito ay tula na may sukat ngunit walang tugma.

ELEMENTO NG TULA

1. Sukat – ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtud na bumubuo ng isang saknong.

2. Saknong – isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtud).

3. Persona – tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Una, ikalawa at pangatlong panauhan.

4. Tugma – ang huling pantig ng huling salita na pumupukaw sa damdamin at kawilihan.

5. Kariktan – ito ay ang maririkit na mga salita na pumupukaw sa damdamin at kawilihan.

6. Talinghaga – ito'y mga salita na di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit, mga salita na nakatago ang kahulugan.

URI NG TULA

1. Tulang Liriko o Tulang Pandamdamin

o Nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guni-guni, pangarap at iba't ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ito ay maikli at payak.

2. Tulang pasalaysay (Narrative Poetry)

o Naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani at pakikidigma.

3. Tulang Patnigan

o ito'y tulang nagbibigay aliw sa mga taong namatayan,at nagbibigay pagpapahalaga sa taong pumanaw.

4. Tulang Pantanghalan

o binibigkas ng mga tauhan ang kanilang diyalogo sa paraang patula.Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya. 

Malikhaing Pagsulat: Mga Tula, Maikling Kwento, Dula at SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon