Siya ang naging katuparan,
Ng aking mga kahilingan,
Na magkaroon ng kasangga,
Anumang maisipang gawa.
Di minsan magkaunawaan,
Hindi mo rin mapipigilan,
Kapag kami may naisipan,
isa't-isa,maasahan.
Pangalawa siya sa'ming apat,
Hindi man siya sa akin tapat,
Kapag ako'y may kailangan,
Siya naman ay maasahan.
Kaya kahit di magka-sundo,
Hindi ko ipagkakanulo,
Kaylanman itong kapatid ko,
Na malapit sa aking puso.

BINABASA MO ANG
Malikhaing Pagsulat: Mga Tula, Maikling Kwento, Dula at Sanaysay
FanficKalipunan ng iba't ibang mga akdang Pampanitikan na nasusulat sa wikang Filipino. Hlina't tuklasin ang natatagong sining ng ating Wikang Pambansa.