Kaibigan saan ka man,
Nais kong ipabatid ninuman,
Hinagpis na nararamdaman,
Makita lang kayo'y mababawasan.
Lagi n'yo sanang maalala,
Mga karanasan nating magkasama,
Saanman magpunta,
Tayo'y magkakasangga.
Ngunit ngayo'y di na magkatulad,
Landas na nilalakad(literalto),
Pagkat malayo na ang lakad,
May kanya-kanya na tayong pag-unlad.
Hiling ko sana'y muli pa tayong magkita,
Magkakasama ulit sa lungkot at tuwa,
Habang ating inaalala ang saya,
Ligayang nadarama.
Mga kaibigan ko,
Magkalimuta'y wag sanang matamo,
Muli pa sana tayong magtagpo,
Bago pamatapos ang taong ito..

BINABASA MO ANG
Malikhaing Pagsulat: Mga Tula, Maikling Kwento, Dula at Sanaysay
FanficKalipunan ng iba't ibang mga akdang Pampanitikan na nasusulat sa wikang Filipino. Hlina't tuklasin ang natatagong sining ng ating Wikang Pambansa.