(Talumpati)
"Lupa ng araw na 'pag may mang-aapi, ang mamatay ng dahil sa'yo".
Awiting tumatak na sa puso ng mga tunay na pilipino. Pilipinong patuloy na ipinagmamalaki, kinikilala at isinasabuhay ang pagiging makabayan. Pilipinong hindi nagpapaapi sa mga dayuhan. Pilipinong hindi nagpapasakop sa kaunlarang hatid ng dati nang sumakop sa bayan.
Araw-araw na inaawit ng mga kabataan sa paaralan ang awit para sa bayan. Inaawit nila ngunit hindi lubos na nauunawaan. Binibigkas ang panunumpa ngunit hindi isinasapuso ang bawat salita. Bakit? Bakit mga kabataang walang muwang ang madalas na nagwiwika ng mga katagang di nila nauunawa? Sila ang pag-asa ng bukas ngunit paano sila magiging pag-asa kung sa pagiging musmos nila nagiging ritwal na lamang ang awitin na para sa bayan sa paglaki nila, ang kanilang sinumpaan bilang pilipino ay nawawaglit sa kanilang gunita.
Karamihan sa mga kabataang mag-aaral, sa elementarya at mataas na paaralan ay hindi lubos nauunawa ang kahalagahan ng Pambansang Awit. Sa mga tunay na Pilipino dapat inaawit ito ng mula sa puso, ang panunumpa'y may kaakibat na gawa ang bawat salita. Ngunit ano ito? Sa panahon ng awitan may mga naglalakad, may mga nag-uusap, may mga bitbit na bag. nasaan ang paggalang? nasaan ang pag-unawa? Nasaan? Kahit ang pagtindig ng tuwid ay hindi magawa. Sila ba? Sila ba ang pag-asa na noo'y inaasam ng mga nauna? Ng mga naunang inasam ang kalayaan at kapayapaan ng bayang ngayon binabaliwala ng mga kabataang inaasam na sana'y magpapayaman at mag-iingat sa dati nilang ipinaglaban?
Ikaw na bumabasa nito, kung taglay mo ang pang-unawang kailangan ng bayang unti-unting nalilimot at napapabayaan, taglay mo ba sa puso mo pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan?
Ang sagot mo'y makikita sa iyong mga gawa, salaminin mo ang iyong sarili kung tunay ka ngang pilipino. Sa isip, sa salita, lalong-lalo na sa gawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/155799571-288-k39271.jpg)
BINABASA MO ANG
Malikhaing Pagsulat: Mga Tula, Maikling Kwento, Dula at Sanaysay
FanficKalipunan ng iba't ibang mga akdang Pampanitikan na nasusulat sa wikang Filipino. Hlina't tuklasin ang natatagong sining ng ating Wikang Pambansa.