Lahat tayo ay may alaala,
Alaalang ma'y lungkot at saya,
Na bumaon sa ating pandama,
At tumatagos sa kaluluwa.
Alaala ang s'yang bumubuo,
Sa'ting kabuuang pagkatao,
Kaya wala sa'ting magkatulad,
Sa takbo ng ating mga palad.
May taong alaala'y nawala,
Di alam kung s'an sila nagmula,
Kaya sila'y kawawang nilalang,
Pagkat pagkatao nila'y kulang.
Kaya lagi mong alalahanin,
Kabutiha'y lagi nawang gawin,
Nang sa puso nila'y manahanan,
Ang lahat ng iyong kabutihan.
BINABASA MO ANG
Malikhaing Pagsulat: Mga Tula, Maikling Kwento, Dula at Sanaysay
FanfictionKalipunan ng iba't ibang mga akdang Pampanitikan na nasusulat sa wikang Filipino. Hlina't tuklasin ang natatagong sining ng ating Wikang Pambansa.