Pandama

916 0 0
                                    


Simula't sapul mula nang makasama,

Napuno na ng pasakit,

Ang puso ko'y nagdurugo,

Pagmamahal mo'y di matamo.

Akap ka sa tuwing ika'y malungkot,

Nakaalalay sa tuwing nahihirapan,

Tila ba babasaging bagay

Kung ikaw ay ingatan.


Nasaan ang iyong pagmamahal?

Nasaan ang iyong pag-ibig?

Na nais kong makamtan?

Wala,

Wala lahat sa iyo,

Walang pag-ibig sa iyong puso,

Pasakit lang aking natamo.

Sana dumating,

Pandamang sa'yo ay salat,

Sana dumating,

Pag-ibig na tapat.

Malikhaing Pagsulat: Mga Tula, Maikling Kwento, Dula at SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon