TATAK NG MGA PILIPINO

2.5K 3 0
                                    


Likas na sa ating mga pilipino ang pagiging mahilig sa pag-awit. Kilala ang mga pilipino sa pagkakaroon ng maraming bilang ng mga mamamayang mang-aawit ng iba't ibang awitin.

Sa larawan ay makikita natin ang isang halimbawa ng pilipinong kumakanta. Kumakanta hindi lang para magpalipas oras kundi kumakanta ng buong puso at damdamin. Mahihinuhang ang awiting kanyang kinakanta ay mula sa puso.

Dahil sa pagkanta ay nailalabas natin ang ating tunay na saloobin. Sa tuwing malungkot at inawan ka ng minamahal, ang mga awiting madalas na pumapasok sa ating isipan ay mga awiting may kaagapay na pagkabigo. Sa tuwing masaya naman ay umaawit tayo ng mga awiting masasaya. Kapag nagpupuri sa Maykapal ay umaawit din tayo.

Ang pag-awit ay bahagi na ng kulturang pilipino. Bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ang pagkanta sa lahat ng aspektong may kinalaman sa damdamin at puso.

Dahil sa mga kantang ito ay mas nauunawaan ang bawat isa, nagkakaroon ng koneksyon ang bawat pilipino saanman ng dako ng bansa.

Kahirapan, kalamidad, kaguluhan, karahasan, walang humpay na bakbakan, walang katahimikan, walang kapayapaan. Kaya mo pa bang mabuhay sa mundong walang ibang ipinamulat sa iyo kundi ang kawalang pag-asa sa pagbabagong inaasam-asam mo?

Kahit na sabihin nating wala tayong pakialam sa mga nangyayari sa mundo, hindi pa rin natin maiaalis sa atin ang katotohanang hindi pa man natin napagdadaanan ngayon ay darating din ang ating pagkakataon na mararanasan din natin ang mga hirap na pinagdadaanan ng mga mamamayan na nasa karatig barangay, bayan, pulo, bansa o kontinente man. 

Malikhaing Pagsulat: Mga Tula, Maikling Kwento, Dula at SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon