Death Penalty Bill

1.5K 2 0
                                    


(Artikulong Pamperyodiko)

Batid natin na noon ay ipinatutupad talaga sa ating bansa ang death penalty lalo na sa mga may mabibigat na kasalanan. Alam din natin na ito ay nawala dahil sa nalalabag ng kautusang ito ang karapatang pantao na mabigyan ng pagkakatong makapagbagong-buhay.

Sa kasalukuyan, muli na namang isinusulong ang Death Penalty upang ipatupad sa ating bansa upang mabigyan ng kaukulang parusa ang mga gumagawa ng krimen.

Kung ako ang tatanungin, hati ang pananaw ko ukol sa usaping ito ng bansa. Ito ay sa dahilang, una, kung maipapatupad ang parusang ito lalo na sa mataas na hukuman at ang itinuturing na may-sala ay wala namang kasalanan ngunit napagbintangan lang at na "framed up", hindi ba kalabisang maituturing kung mapaparusahan siya ng kamatayan kung hindi naman talaga siya ang gumawa ng kasalanan?

Sa kabilang banda naman, sang-ayon ako sa parusang kamatayan lalo na sa mga halang ang kaluluwa. Ito ay dahil sa dumaraming bilang ng krimeng nangyayari sa bansa. At isa pang dahilan ay sumisikip na rin ang mga seldang nilalagyan sa mga kriminal na may mabibigat na kasalanan sa mata ng tao lalo na sa batas ng Diyos.

Kayakung susumahin lahat ng naipahayag ko, mas nanaisin ko parin na ituloy na ang"Death Penalty" upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng rape, homicide atmarami pang kaso na nangangailangan ngparusang kamatayan upang mabawasan ang bilang ng mga kriminal na namamahay sabansa at mabigyan ng kaukulang parusa ayon na rin bigat ng kasalanang kanilangnagawa.    

Malikhaing Pagsulat: Mga Tula, Maikling Kwento, Dula at SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon