Nababalitaan natin sa mga pahayagan at telebisyon, sa internet at sa mga istasyon ng radyo ang usapin ukol sa libreng edukasyon na nilagdaan ng Pangulong Deterte na RA 10931 o mas kilala sa titulong "Universal Access to Tertiary Education Act" na naglalayong magbigay ng libreng edukasyon sa lahat ng mga mag-aaral na nasa mga state universities at colleges sa Pilipinas. Ang libreng edukasyong ito ay nilagdaan ng Pangulong Duterte noong ika-3 ng Agosto na naging epektibo noon lamang ika-8 ang Agosto.
Ang libreng edukasyon na ito ang inaasahan ng mga mag-aaral upang maging propesyunal na mamamayan sa ating bansa. Ito ay malaking pagkakataon upang mas lalo pang magsumikap ang bawat mag-aaral sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa buhay.
Ngunit,imbes na makatulong ay nagkakagulo ngayon ang mga paaralan dahil na din sa hindi pagtupad ng CHED sa takdang oras ng pagtupad nito. Ayon kay Sen. Bam Aquino, ang CHED ay hindi tumupad sa takdang oras na dapat ipatupad ang libreng edukasyon sa mga paaralan, ito ay sa dahilang itong nakaraang semstre lamang ay nagbabayad pa rin ang mga mag-aaral ng mga fees o bayarin maliban sa tuition feena kung tutuusin mas maliit lamang na halaga ang binabayaran ng ilang estudyante sa tuition kaysa sa mga iba pang fees na kanilang binabayaran.
Sa aking palagay, walang dapat na sisihin sa anumang pagkakamali na nagmitya ng hindi pagsunod ng CHED sa takdang oras sa pagpapatupad ng libreng edukasyon. Ito aty sa dahilang maaring may ilang mga dukumento pang dapat isaalang-alang bilang basehan ng pagbabagong ito sa kinagawian nang pagbabayad ng matrikula ng mga mag-aaral.
Nais natin ang pagbabago, ngunit sa tuwing may pagbabagong nagaganap ay nagbibigay na kaagad ng hinuha ang ang bawat isa sa atin sa kung ano ang kulang sa mga dapat na pagbabagong dapat nating maranasan. Ang pagbabago at maganda at nakakabuti dahil ito ay tanda ng pag-unlad, ngunit ito'y dapat hindi madaliin sapagkat imbes na makabuti ay maari itong makasira hindi lamang sa kasalukuyan kundi lalong higit sa hinaharap. Hayaang paunti-unti ang pagtanggap ng pagbabago nang ssa ganun, mabagal man ang pag-unlad ay may kasiguraduhan naman sa mas makakabuti at hindi agarang matitibag sa pagdaan ng panahon.
Ikaw, ano ang opinyon mo tungkol sa libreng edukasyon sa kasalukuyan?

BINABASA MO ANG
Malikhaing Pagsulat: Mga Tula, Maikling Kwento, Dula at Sanaysay
FanfictionKalipunan ng iba't ibang mga akdang Pampanitikan na nasusulat sa wikang Filipino. Hlina't tuklasin ang natatagong sining ng ating Wikang Pambansa.