Kabanata 1

215 3 0
                                    

"When the Spaniards discovered the Katipunan in the year 1896, the Philippine Revolution broke out."

Napahikab ako dahil sa lesson ng prof namin ngayon. Katatapos lang naming maglunch kanina at talagang nakakaantok ang oras na ito para sa akin. Muli akong napahikab kaya tinakpan ko ng notebook ko ang aking bibig upang di ako mapansin ni Prof na mukhang busy sa pagkausap sa libro niya. Focus na focus siya sa pagbabasa kaya di niya napapansin ang mga kaklase kong inaantok na rin habang yung iba, ayun, bumigay na at napadukdok na sa kani-kanilang mga lamesa.

Kahit kailan talaga ay nakakaantok ang History. Buti nalang talaga at favorite subject ko na yung kasunod. Naramdaman ko nalang na may kumulbit sa akin mula sa likod kaya napalingon ako dito. May inabot sa akin na maliit na papel yung kaklase ko sabay ub-ob

Binuklat ko naman yung papel na nakatupi. Napangiti ako dahil sa drawing na nakalagay doon. May caption pa nga sa tabi eh. The drawing is about a sleepy girl tapos nakasulat sa tabi ay

'Inaantok na ako!'

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko doon ang best friend ko na nakabusangot. Nagmouth pa siya na inaantok siya. Natawa nalang ako ng konti at napailing. Maya maya lamang ay nagising ang ilan sa aking mga kaklase pero yung prof namin ay hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin habang nakasandal sa lamesang for teachers only

"One of the prominent family who stood against the Spanish and fought with the Katipunan is the Cortez family alongside with the Delgados, Carillo blah blah balh'" patuloy nito na di ko na rin naintindihan dala ng antok

Tila nabuhayan ng loob ang mga kaklase ko nang mapansin nilang 5 minutes nalang ay magtatapos na ang klase. Ilang sandali pa ay napatigil si Prof at napatingin sa amin. Agad namang nagstraight body ang mga classmates ko na akala mo ay kanina pa taimtim na nakikinig.

Napatingin siya sa wrist watch niya, napansin ko naman ang simplehang lingon ng mga kaklase ko sa likod kung saan nakasabit ang wall clock namin sa room. Tumayo na si Prof at walang sabi-sabi ay lumabas na ng room. Tila naman nagdiwang ang mga kaklase ko at agad na nag-ayos ng sarili. Maya maya lamang ay dumating na si Miss Quizon, ang Art Teacher namin. Maganda at madaldal si Miss Quizon, matinik rin ang kanyang pandinig dahil sa angkin nitong talas pagdating  sa tsismis. 

"Mukhang bad mood si Prof. Ortiz ah. Humalaan ko tinulugan niyo na naman no" masayang sabi ni Miss Quizon. Natawa nalang ang mga kaklase ko at di nakatangge. Sino ba namang di makakatanggi, mukha palang ng mga kaklase ko alam mo ng antukin eh

"Hayaan niyo na yun, masyado niya lang talagang mahal ang history kaya nakakaantok magbasa, yun nga yung nagpa-add sa pogi points niya eh." sabi ni Miss sabay tingin sa taas na akala mo nakakita ng kung anong gwapo. Napatingala rin tuloy kami at tinignan kung ano mang tinitignan niya. Napakunot ang noo ko nang makakita ako ng dalawang butiking magkapatong. Aba't rated SPG! Sa Public Gumawa!

"oh well, simulan na natin ang lesson. Turn your book to page 143!" biglang sabi ni Miss. Nangunot naman ang mga noo namin

"Miss, wala pong page 143" sabi ng kaklase kong lalaki

"Shunga! Wala tayong libro no, malamang walang page 143!" biglang sabat ng isa ko pang kaklase. Natawa naman mga kaklse ko

"Makashunga ito, Shunggabin kita diyan eh... Ayiieee" sabi ng kaklase kong malandi.

Nagtawanan nanaman ang mga kaklase ko

"Quiet! Silence! Tahimik! Shut up! Huwag maingay!" sabi naman ni Miss. Napatahimik tuloy kami kasi parang ang seryoso niya, akalain niyo yun. Ininglish na tinagalog pa eh pareho lang din naman ang ibig sabihin

"Alam kong walang page 143 at mas lalong wala tayong libro kaya makinig kayo, mga Maa-ART kong students. Magpupunta tayo sa isang Painting exhibit next week kaya magprepare kayo. May kinalaman sa History ang mga paintings na i-eexhibit sa gallery na pupuntahan natin. Kaya makinig kayo kay Prof. Ortiz." sabi ni Miss Quizon tapos humampas pa siya sa lamesa niya. Itinaas niya yung kamay niya nung binaggit niya yung name ni Prof, akala ko kung anong gagawin niya. Nagfinger heart lang pala.

Mi Amor Sin FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon