PROLOGUS

6.1K 230 1
                                    

"Archer, you have exactly 24 hours to register a name in the Human Slavery Department.. Kung hindi mo ito magagawa, tatanggalin ka namin ng Boss sa trabaho mo!"

Napangiwi ako sa sigaw ng supervisor ko. Tsk! If not for the fact that he was yelling at me for being incompetent, baka napagtawanan ko na ang nanggagalaiti niyang hitsura. Huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti. Kahit naman na ayaw ko sa kanya, hindi ko pa rin gustong matanggal sa CRIMSON. Let's just say that the consequences can be fatal. Kahit sinong bampira ay hindi kakayanin.

Pinilit kong ngumiti, "Relax ka lang, Mr. Kane! I can assure you that within 24 hours, may maloloko na akong tao. Ako pa ba?"

Pero hindi nagbago ang matalim na titig sa akin ni Kane. Kung hindi ako nagkakamali, tatlong librong taon na siya. Sa tagal na niya sa CRIMSON, mukhang ngayon lang siya nakahanap ng empleyadong hindi ginagawa nang maayos ang trabaho niya---at ako 'yun. Suminghal siya at ibinalibag ako sa pader.

His fangs were out and his eyes were blood red. Hinawakan niya ako sa leeg at halos mawalan na ako nang hininga sa ginagawa niya. Ang higpit ng pagkakasakal niya. Shit. Is he seriously doing this to an employee?! Kung ireklamo ko kaya siya sa Vampire Labor Department?!

He glared at me.

"Siguraduhin mo lang na magagawa mo nang maayos ang trabaho mo, Archer. This is no time to fucking slack off on work! Don't screw this up!"

Walang emosyon akong tumango at kinalas ang pagkakahawak niya sa leeg ko. "Noted. Pwede na ba akong bumalik sa trabaho?"

Napasimangot si Kane at iniayos muna ang kanyang nagusot na polo shirt bago naglakad papalayo na para bang walang nangyari. Nang makaalis na siya, napabuntong-hininga ako at tiningnan ang pader na nasira dahil sa pagkakahampas niya sa'kin dito. Kawawa na naman yung mag-aayos nito.

Ginulo ko ang buhok ko at ibinulsa ang aking mga kamay. I walked towards the transport area at nagpasipul-sipol pa. Hindi ko ininda ang eskandalosong titig sa akin ng mga nadadaanan kong bampira. Tsk. Why the fuck should I give a damn about them? Para namang hindi normal ang ganitong mga eksena sa kompanyang ito.

"Got yelled at again? Tsk. Bakit ba hindi ka na lang kasi mag-resign? Kahihiyan ka sa lahi nating mga bampira."

Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ng bampirang kinasusuklaman ko. Falcon had a taunting smirk on his lips. Nakahalukipkip siya't nakasandal sa gilid ng pinto ng transport area. Pakiramdam ko, nabubuhay talaga siya para sirain ang araw ko. Sinamaan ko siya nang tingin. If looks could kill, malamang kanina pa nabulok ang katawan niya.

"If I were you, I'd quit sticking my nose into someone else's work. Mas tsismoso ka pa sa bampirang nasa reception. Sino ang kahihiyan sa'ting dalawa ngayon?"

Mas lumawak pa ang ngiting-demonyo ni Falcon.

"Unlike you, marami na akong naitulong sa kompanya. Ang gagawin mo lang naman ay lilinlangin ang mga mortal, pero hindi mo pa magawa nang maayos!" At natawa siya. Nagpintig ang tainga ko sa sinabi niya. Bullshit! Kung hindi lang labag sa batas ang pumatay ng kalahi. Tsk.

Falcon gave me on last demonic smirk before he stride off, "Kahihiyan ka sa CRIMSON.. Kahihiyan ka sa lahat ng mga bampira."

Naikuyom ko ang mga kamao ko sa galit. I'll prove that bastard wrong.. At kapag nagawa ko na ang trabaho ko, tatawanan ko siya. Tangina niya. Naiinis kong pinuntahan ang files corner at kinuha ang isang clipboard na may nakalagay na impormasyon tungkol sa isang tao. Napangisi ako. It was a human girl. Madali lang 'to.

"Elizabeth de Castro."

Tiningnan ko ang malaking orasan na nakasabit sa pader. Twenty-four hours, huh? Easy. Paniguradong magagawa ko siyang lokohin nang walang kahirap-hirap. Sa gayon, hindi ako matatanggal sa trabaho ko. I can't afford to lose my job in CRIMSON! No freakin' way.

I bit into my palm and painted a sigil on the wall with my blood. Ito ang tanging paraan para makapunta kami sa mundo ng mga tao.

At dahil na rin sa pagmamadali ko, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na i-double check ang Scriptorium na ginawa ko. Agad akong naglakbay patungo sa kabilang dimensyon.

Wala naman sigurong mangyayaring masama, di ba?

---

✔The Bloodsucker's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon