I immediately stood under a shade of a tree the moment I stepped out of the old building. Sa sandaling pagsinag ng araw sa balat ko, agad kong naramdaman ang kakaibang hapdi nito. Napamura na lang ako nang bahagyang umusok ang balat ko dahil dito.
"Damn sunlight.. Tsk."
Of all the things we can do, being exposed to direct sunlight is one of few things that restrict us. Sa mundo naming bampira, pawang artificial lights lang ang naroon at hindi namin kinikilala ang araw ng mga mortal. Masyadong sensitibo ang balat namin sa init nito, at hindi nakakatulong ang abnormal na dulot ng sinag ng araw sa malamig naming katawan. Cold-blooded. That's what we are.
Nang mapansin kong tumutulo pa mula sa kamay ko ang sariwang dugo ng mga napatay ko, agad akong nagtungo sa ilog na nasa Hilaga. A few kilometers away, and I finally reached the small stream that stretched beyond the dense forest. Natatakpan ng mayayabong na mga puno ang kalangitan at pawang mga huni ng ibon ang maririnig mo sa paligid.
Naglakad ako papalapit sa ilog at hinugasan ang dugo sa balat ko.
I'm now officially a criminal.
Alam kong labag sa batas ng mundo namin at pati na rin sa CRIMSON Policies ang pumatay ng kapwa bampira, pero ito ang isa sa napakaraming pagkakataong nawalan na ako ng kontrol sa sarili. I don't usually go wild, but this time is different. Buhay ko na ang nakataya rito and it's either kill or get killed. Lalo na ngayon at mukhang natutuwa ang iba kong mga kalahi sa pabuyang ipinatong ng Vampire Committee sa ulo ko. Damn those fuckers.
I have no choice.
"Hold yourself together, Archer.. Kailangan mong ayusin ang gulong 'to.."
Parang tanga ko nang kinakausap ang sarili ko gayong alam kong wala namang kasiguraduhan kung magiging maayos pa ba ang lahat. Napabuntong-hininga na lang ako at tinapos ang paghugas sa aking mga kamay. Pero habang dinadama ko ang malamig na tubig sa balat ko, nakaramdam ako ng biglaang panghihina. Agad akong napaatras at kumapit sa pinakamalapit na puno.
My nails damaged its bark as I struggled catching my breath. Shit. Not again..
I need to feed.
At doon ko lang napantantong may anim na oras na nga pala mula noong huli akong nakakain. Mahina akong napamura. Ito lang ang nakakairita sa pagiging bampira; madali kang magugutom at maaari mo pang ikabaliw ang gutom na iyon. The hunger and bloodlust of vampires is a natural phenomena. Delikado na.
Mabibilis ang paghinga ko habang sinusuyod ko ang kagubatan.
I sighed in relief when I saw a sheep grazing by the meadows. My eyes dilated and fangs automatically retracted. Nararamdaman ko na ang matinding uhaw habang pinagmamasdan ko ang kaawa-awang hayop. Nanginginig na rin ang aking kalamnan.
'A hungry vampire couldn't be choosy,' I reminded myself.
I don't drink raw blood.. But with my situation, I think I need to make the best of it. Wala ako mapagbibilhan ng blood chips o blood-in-a-can drinks dito sa mundo ng mga mortal.
And that's already one problem to be bothered about.
*
Nang makabalik ako sa bahay nila Elora, agad akong pumasok sa backdoor. Mabuti na lang talaga at nagagawa kong humalo sa mga anino para maiwasan ang nakamamatay na araw.
The moment I walked towards the living room, I saw the girl still sitting on the sofa. Hawak niya pa rin ang mansanas. Napangisi ako.
"Thanks for taking care of my apple.."
Bahagyang nagulat si Elora nang mapansing nakatayo ako sa kanyang likuran. Sumama ang titig niya sa akin pero agad niya ring ibinato sa direksyon ko ang mansanas. I laughed at her reaction.
BINABASA MO ANG
✔The Bloodsucker's Tale
Paranormal"Mr. Vampire, mali ka yata ng nilabasang kabinet." Elora is addicted to Twilight--screw that, adik na adik siya sa mga bampira! She always wanted to be swept off her feet by a handsome vampire with a killer smile, sparkling skin and a hot body. Pang...