QUADRAGINTA QUATTOUR

1K 72 0
                                    

Napapailing na lang si PO2 Egdar Ponce habang binabasa ang naitalang mga kaso nito lamang nakaraang bente-kwatro oras. Maski siya ay hindi makapaniwala sa mga ito. Their chief of police glared at the photos scattered across his desk.

Kalunus-lunos ang nangyari sa mga biktima. Pero ang nakapagtataka lang, walang malinaw na motibo ang pagpatay sa kanila.

"Kapareho ng bangkay na nakita niyo ang iba pang natagpuan kanina nina Francis. Sigurado ba kayong walang posibleng murder weapon na ginamit ang suspek natin?"

Umiling ang pulis. "Wala po. Nagtataka nga kami kung bakit kakaiba ang sugat.. p-parang kinagat siya ng----"

"Wag mo sabihin sa'king naniniwala ka rin sa aswang? Tangina, doseng kaso na ang natatanggap natin at puro 'yan ang sinasabi ng mga sumuri ng mga bangkay!" The man raged and massaged his temples. Hindi siya makapaniwalang nangyayari ito sa bayan nila. The Eastwood police called earlier and informed them of a similar crisis.

Kung anuman ang pumapatay sa mga biktima, mabilis na itong kumakalat sa mga kalapit na bayan.

"Pa-imbestihagan niyo ulit. Reviewhin niyo ni Inspector Castro 'yung CCTV footage.."

"M-Masusunod po."

Napabuntong-hininga na lamang si Ponce habang naglalakad papalayos a opisina ng kanilang pinuno. Hindi niya alam kung anong kababalaghan ang nangyayari ngayon, pero may hinala siyang kagagawan ito ng kakaibang mga nilalang.

'Hindi mga aswang,' alam niya ito dahil madalas siyang nagbabasa ng mga komiks patungkol sa mga masasamang nilalang na umaatake sa mga tao. Nagtagis ang kanyang panga, "..mga bampira."

Halata ito sa sugat na para bang dalawang malalalim na butas sa leeg ng mga biktima (ang iba ay kinagat sa ibang parte). Bukod pa roon, pawang halos maubusan na ng dugo ang mga ito at walang buhay ang mga mata.

The sight is disturbing.

Sigurado siyang mga bampira lamang ang maaaring umaatake sa kanila maging sa Eastwood. Pero sino ba naman ang maniniwala sa kanya? Wala.

Baka nga pagtawanan lang siya ng mga kasama.

Ponce reviewed the contents of the folder one last time before heading towards the pantry.. Mukhang kailangan niya na naman ng kape. Magiging mahaba-haba na naman ang gabing 'to..

The situation in the Acroplis isn't any better. Tuluyan nang nasakop nila Cameron ang CRIMSON.

'That mortal bastard..' Napaubo ng dugo si Mr. Kane habang nakatitig sa iba pang mga bihag sa sentro ng lungsod. Sa kanyang kaliwa, nakita niya ang iba pang miyembro ng Vampire Committee na pawang walang magawa sa kanilang kalagayan. Taddeo turned against them and Raoul and Fleur are dead. Ano pa bang magagawa nila?

Nakapalibot sila ngayon sa harap ng isang itim na kastilyo. 'How did this even happen?'

Hindi sila makakilos. Nakagapos sila at hawak ng mga hudas na bampira. For the first time in his five-hundred year existence, naramdaman ni Kane ang pangamba at takot.

Bumukas ang malalaking pinto, at nasilayan nila ang lalaking may kagagawan ng lahat.

Nagtama ang mga mata nila ni Kane. He saw nothing but evil.

"It's seems like the audience are here early."

Kane's fangs flashed. "Audience? You son of a bitch! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa mundo namin?!"

Cameron smirked. Marahan itong lumapit sa isang miyembro ng Vampire Commitee, "Anong ginagawa ko? Hm.. Simple lang naman. Inaayos ko ang mundo ninyo. New world order. Your king has come, so be grateful, devil... If I were you, I'd beg for mercy." Sa isang iglap ay nagawa niyang baliin ang leeg ng bampira.

✔The Bloodsucker's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon