TRIGINTA

1.1K 89 8
                                    

Elora Francisco knew that her Mr. Vampire, a.k.a. Archer whatever-his-surname-is, is a masochistic creature. Pero kailanman, hindi niya aakalaing masusubaybayan niya ang sandaling tumalsik ang ulo ni Archer papalayo sa katawan niya. Oo, hindi siya nagbibiro. Archer's head literally flew away from his body because of the deathly impact from the Devonian's attack.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at alam niyang nanginginig na ang kanyang katawan sa natunghayan. Archer's blood is still stained on her face at hindi maganda ang nagiging reaksyon ng katawan niya dito.

"A-Archer.."

Nang wala nang ibang nagtangkang gumalaw, doon na natauhan si Elora, "ARCHER!"

She watched as the mad vampire who killed him laughed demonically. Nanginginig man sa takot, tila ba nagdidilim na ang paningin ng dalaga. This fucking bastard just killed Archer! Sumiklab ang kakaibang galit sa kalooban ni Elora at hindi na niya sinubukan pang pigilan ang pagtubo ng mga pangil niya. Nagbabadya na ang luha sa mga mata niya..

"YOU DEVILS! I'LL FUCKING SLAUGHTER YOU!"

"Stop, Elora.."

Bago pa man sumugod si Elora sa kinaroroonan ng mga hudas na umatake kay Archer, Lady Circe stepped in her way. Napairap ang dalaga at sinamaan ng tingin ang babaeng nasa harapan niya. Vampire Committee member or not, she's not gonna get in the way of her revenge!

"Get out of my way."

Pero tipid lang na ngumiti si Lady Circe. Her red eyes scanned her face and for the first time since they came her, nakaramdam ng iritasyon si Elora sa presensiya ng babaeng ito. Sa isang iglap, nagawa niyang ibaon ang kanyang mga kuko sa leeg ni Lady Circe. Blood oozed out of the deep wound.

"I said, GET OUT OF MY WAY!"

Pero marahan lang umiling si Lady Circe at binalingan ang pwesto kung saan gumulong ang ulo ni Archer. She smirked at Elora, "Stupid girl. Ang akala ko ba fangirl ka ng mga bampira? Are you forgetting that one important fact about us, o sadyang nagpapadala ka ngayon sa galit mo?" Kalmado nitong tugon.

'Ano bang pinagsasasabi ng babaeng 'to?!'

Pero nang matitigang maigi ni Elora ang ulo ni Archer, doon na siya napasinghap. Nabitiwan niya si Lady Circe at halos mapamura sa naalala niya.

On the other hand, Archer's deceased head suddenly moved. Isang matalim ng tingin ang ipinukol ni Archer sa mga Devonian vampire na nasa kanyang harapan. Isang nakakalokong ngisi ang ibinigay niya sa mga ito.

"Fools. Let me remind you one more thing about me.."

At gulat na pinanood ng lahat nang maglakad ang katawan ni Archer papunta sa ulo niya. His hands reached out and placed his head to where it belong. The bloodied skin connected and healed. Iginalaw pa ni Archer ang kanyang leeg bago bumaling sa bampirang umatake sa kanya.

An evil glint in his red eyes.

"..I'm immortal, fuckers."

May kinuha muna si Archer sa kanyang bulsa bago bumaling kay Elora at ibinato ang bagay na ito sa kanya. "Take care of that for me, honey." At kumindat pa ito.

Pagkatapos nun, ay mabilis niyang sinipa ang isang bampira na naging dahilan ng pagkabutas ng dibdib nito. Archer expertly clawed at his heart at hindi pinakinggan ang nakabibingi nitong pagsigaw. Pero bago pa man niya tuluyang mawasak ang puso ng bampirang ito, may marahas nang humila sa kanyang mga paa at ibinalibag siya papalayo.

The ground shook.

Bahagyang nasira ang pader ng maze dahil sa nangyari. Archer stood up from the piles of rocks and frowned upon seeing his dirty suit. "Tsk. Tangina talaga.."

✔The Bloodsucker's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon