TRIGINTA QUATTOUR

1K 79 3
                                    

Elora never thought the day would come when she will be face to face with her greatest fear in life. Kasalukuyang hindi makagalaw ang dalaga. Ang mga mata niya ay nakatitig lang sa nilalang na kanina pa umaaligid sa kanya. Naramdaman niya ang kabang kanina pa namamayani sa kanyang dibdib at tila ba kinakapos na rin siya ng hininga.

"U-Umalis ka na.." Mahina at wala nang lakas na nagsalita si Elora.

Ngunit alam niyang kahit kailan, ay hindi niya mapapalayas ang bagay na alam niyang hindi niya matatakasan. Dahil ang nilalang na ngayon ay kawangis na ng mga anino at kasing-lamig ng yelo ang presensiya ay walang iba kundi si kamatayan mismo.

Naramdaman ni Elora ang pagtindig ng kanyang balahibo dahil sa takot. Kumislap sa kadiliman ang hawak nitong patalim. A vague memory came back to her.

A few years bago, just after her cousin died of cancer, pinasok ng masasamang loob ang kanilang tahanan. Gabi noon, ay matutulog na sana ang dalaga nang makarinig ng ingay sa may sala. Dali-dali siyang nagpunta roon pero huli na nang makita niyang nasa loob na ng kanilang bahay ang tatlong armadong lalaki, pawang nakaitim at nililimas ang kanilang mahahalagang gamit. Sinubukang tumakas ni Elora, ngunit agad siyang nadakip ng mga ito.

She was their hostage for a week.

Elora will never forget that gruesome feeling of being kidnapped for ransom. Kinulong nila ang dalaga sa isang basement. Tanging kadiliman lamang ang naroon, at paminsan-minsan siyang sinasaktan ng mga lalaking dumakip sa kanya. Hindi siya pinapakain, o binigyan ng maayos na tulugan.

She was even almost raped.

Almost.

Dahil sa kauna-unahang pagkakataon noon ni Elora Francisco, nagawa niyang pumatay. One of the guys crept into the basement with a gun and ordered her to strip off her clothes. Nasa panganib ang buhay niya at hinang-hina na rin siya para manlaban pa. Ginawa niya ang inutos sa kanya, leaving her only in her underwear. Pero hindi umiyak si Elora.

Kaya bago pa man matuloy ang masamang binabalak ng lalaki, agad siyang nakahanap ng tiyempo at inagaw ang baril sa kanyang kamay. Nang aatakihin na sana siya nito, Elora saw her life flash before her very eyes at ang buhay niyang iyon ay nakadepende sa magiging desisyon niya.

To live or to die?

It was only a matter of pulling that trigger.

BANG!

And Elora chose to live.

Agad niyang isinuot ang kanyang damit at saka hinayaang dumaloy ang kanyang luha. Nanginginig niyang hinantay ang pagdating ng tuloy, at laking pasasalamat niya nang dumating ang mga pulis.

Wala siyang magawa. She killed someone.

At magmula nang araw na iyon, ay natakot na sa kamatayan ang dalaga. Her parents wanted them to start anew, kung kaya't lumipat sila sa Eastwood. Pero para kay Elora Francisco, hindi pa rin nun matatakpan ang pilat sa kanyang nakaraan.

"G-Get away from me.."

Pero ngayon, heto at kaharap na niya mismo si kamatayan. Nanghina ang mga tuhod ni Elora, at nahihirapan na siyang huminga. Death stopped in front of her and grinned without a face.

"No one escapes death."

At lumapit na ito sa kanya. Natataranta siyang humakbang papalayo, ngunit tila na wala itong silbi. "N-No.. No, p-please!" Pakiusap niya kay kamatayan, ngunit hindi siya nito pinapakinggan. At nang akmang itatarak na ni kamatayan ang kanyang patalim kay Elora, agad siyang napapikit.

Alam niyang hindi niya matatakasan ang kamatayan, at malamang nga ay ito rin lang ang naghihintay sa kanila sa dulo ng kanilang paglalakbay. From the beginning, Elora already doubted that they would succeed in saving the mortal and vampire worlds before the deadline. Pero sa kabila ng lahat ng alinlangang ito, iisa lang ang pumapasok sa isip ng dalaga..

"Archer." Or Acheron. Wala naman talaga siyang pakialam kung ano ang tunay na pangalan ng bampirang 'yun.

But even so, Elora knows that he will always be a part of her life. From the moment Archer stepped out of her cabinet, she knew that all her vampire fantasies will materialize. 'That bastard,' she thought with a final smile. At hanggang sa mga oras na ito, hinihiling niyang sana ay nasa tabi niya ang binata.

Death's blade struck down on her---and Elora accepted her faith. Ito na ang kanyang katapusan..

"ELORA!"

Napamulagat siya nang bigla na lang may yumakap sa kanya at iniiwas siya sa atake ng nilalang na tatapos na sana sa buhay niya. Nakahiga na sila ngayon sa lupa, at bahagyang sumakit ang katawan ng dalaga sa bilis ng pangyayari. She opened her eyes and tried to make out the vision of the person who saved her.

At hindi na niya kailangan pa ng liwanag upang makilala ang lalaking ito.

"A-Archer?"

"Elora, this is just an illusion! Hindi totoo ang lahat ng ito!" Nagmamadali nitong sabi.

Kumunot ang noo niya. What the heck is he talking about? Magsasalita na sana siya nang bigla siyang inunahan ng bampira. Archer's red eyes shone like two blood moons amidst the darkness. Seryoso itong nakatitig sa kanya.

"Makinig ka sa'kin, huwag kang mabuhay sa nakaraan.. Believe me, it's suicide."

Iyon lang at tila ba natauhan ang dalaga. Hindi niya alam kung paano, ngunit ramdamn niyang nauunawaan ni Archer ang kanyang pinagdadaanan. How does he do it? How can he possibly understand me? Napailing na lang si Elora Francisco. Acheron will always remain a mystery to her. Matapang niyang binalingan ang nilalang na ngayo ay isa nang itim na usok.

'I will not live in my past.'

She frowned, "hindi ka totoo."

And just like that, everything vanished.

-

Sa isang iglap, nakakawala sa ilusyon si Elora at nang maimulat niya ang kanyang mga mata, nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Cameron sa kanyang gilid. Her bestfriend immediately embraced her, entrapping her in his muscular arms. "E-El! What the fuck?! Bakit ngayon ka lang?!" Natataranta nitong tanong habang hinihigpitan ang pagkakayakap nito sa dalaga. Elora smiled and returned the hug. "A-Ayos na ako, Cam.."

Sa kanilang likuran, narinig ni Elora ang pag-ubo ng isang partikular na tao.

Nang lumingon siya, nagtama ang kanilang mga mata. Archer had a displeased look on his face at halos patayin na niya sa tingin ang vampire hunter na nakayakap pa rin sa kanya.

"Ehem!"

Napalingon na rin ang lahat kay Archer. Cameron cursed under his breath and glared at him, "May tuberculosis ka ba?"

But Archer's red eyes flashed dangerously. "Pwede ka nang bumitiw sa kanya, mortal."

Uh oh.. Si Elora na mismo ang kumalas sa yakap niya kay Cameron. Hindi na maganda ang kutob niyang mangyayari kung mapapatagal pa ito. Knowing Archer, he would go on a rampage---especially when he's being a bit protective of her. Sa kabilang gilid naman nila, biglang natawa si Falcon at napangiti naman si Lady Circe. The blonde vampire grinned playfully, "Chill lang, bespren! It's not like she's your territory."

Ngayon naman, kay Falcon nakatuon ang pamatay na tingin ni Archer. "And what does that fucking mean?"

Falcon shrugged, "Kung makaasta ka, para kang hamak na mortal na nagseselos dahil nakita niyang may kalaguyong iba ang pinakamamahal niya! HAHAHA!"

"I AM NOT FUCKING JEALOUS!"

Napabuntong-hininga si Elora nang nakisali na rin sa asaran nila sina Cam. Bumaling siya sa kanyang likuran at napansing nakamasid lamang si Lady Circe sa hamog na pinanggalingan nila. Ayaw na niyang malaman pa kung ano ang mga posibleng mangyari kung sakaling hindi siya nakakawala sa ilusyon na 'yun. Elora Francisco turned her head towards Archer, who is now staring at her with a gentle smile that warmed her heart.

'He saved me.'

---

✔The Bloodsucker's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon