When Elora's parents told her to "handle the house" while they were on vacation, alam niyang ibig sabihin nun, ipinagkatiwala sa kanya nina Mr. at Mrs. Francisco ang gawaing-bahay, kagamitan at ang buong tahanan nila. They were quite specific with "the house", but Elora knew that she was far from handling the situation at hand. Hanggang ngayon, habang inaalala niya ang huling paglagablab ng apoy sa natitirang haligi ng kanilang bahay, para siyang hihimatayin.
It was already a bad thing that the burnt house was a "rent to own", pero ang mas masaklap pa ay kung paano niya ipaliliwanag sa mga magulang niya ang nangyari.
'Ano na lang ang sasabihin ko? Mama, nasunog po yung buong bahay, sorry po'? Tsk. Paniguradong walang salita ang tutumbas sa mga salitang ibabato sa kanya ng nanay niya kapag nalaman na nila ito. Napahilamos na lang ng mukha si Elora gamit ang mga kamay.
"Bakit ba kasi umabot sa ganito?"
All Elora wanted was a vampire lover, now she's stuck in some twisted story to save two realms.
"Walang magagawa ang pagrereklamo. Shit happens, and we need to be resilient about it."
Nag-angat ng ulo ang dalaga. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang swing sa playground habang si Archer naman ay nakatayo sa kanyang harapan. They were at the Eastwood park, at may kung ano pang inaasikaso si Falcon sa may puno ng akasya.
Sinamaan niya ng tingin ang bampira, "Easy for you to say. Hindi mo naiintindihan, Archer. Hindi ka kasi nawalan ng bahay.. Hindi ka kasi sasakalin ng mga magulang mo. Psh." Pagsusungit niya dito kahit pa pilit bumabalik sa alaala ni Elora ang pagpapakalma sa kanya ni Archer kanina.
She pushed those thoughts aside. This is not good. At all.
Pero imbes na mainis, isang ngiti lang ang isinukli ni Archer.
"You're right. Hindi ko nga maiintindihan." He laughed, "for starters, I don't have a home.. nor do I have a family."
*
Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Elora sa sinabi ko. I just shrugged it off and walked back towards the Heronia tree--an identical one to what we have back at the vampire world. Nakita ko ang patuloy na pag-guhit ni Falcon ng Scriptorium gamit ang kanyang dugo.
"Sana kasi hindi mo nilagyan ng seal 'yan. Ngayon nagpapakahirap ka pang alisin at gumawa ng portal."
"Kung nanahimik ka na lang diyan at nag-isip ng paraan para hindi tayo matunton ng Coven?" He replied.
Napangisi na lang ako. "Nah. I still need to look good for Circe. Don't want to disappoint a member of the committee."
Falcon momentarily stopped and raised an eyebrow at me. "You've got to be kidding me?" Mas lumawak ang ngiti ko. Alam niyang kahit kailan, ay wala akong ginalang na miyembro ng pesteng Vampire Committee, until now.
"Who's this Lady Circe?"
Elora walked towards us, her eyes questioning. Napupuno pa rin ng mantsa ng dugo ang kanyang damit and the sides of her mouth still had some blood. Mukhang hindi niya nahugasan nang maigi kanina.
Tumayo si Falcon sa tapat ng Scriptorium, "She's a member of the Vampire Committee."
"V-Vampire Committee? Then why are we even associating with her?!" Napabaling sa akin si Elora, "Di ba gusto nila tayong patayin? Are you crazy, Archer?!" Natataranta niyang sabi.
I smiled. "Chill, honey. Circe is a friend."
Pero sa hitsura ni Elora, mukhang hindi pa rin siya kumbinsido.
"We have to go. Say goodbye to the mortal realm, Ms. Francisco." Ani Falcon habang ipinapakita ang pagsilay ng liwanag mula sa portal na ginawa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/155650009-288-k338237.jpg)
BINABASA MO ANG
✔The Bloodsucker's Tale
Paranormal"Mr. Vampire, mali ka yata ng nilabasang kabinet." Elora is addicted to Twilight--screw that, adik na adik siya sa mga bampira! She always wanted to be swept off her feet by a handsome vampire with a killer smile, sparkling skin and a hot body. Pang...