Archer's Vampire Control Lessons 101.
I don't even know why I'm making this bullshit up, pero sige. Dahil wala rin naman akong ibang maisip na paraan at nababagot na rin ako. I grabbed Elora's hand and sped up towards the top of the tree at an inhuman speed.
Lesson #1: Calm yourself, at all times.
"ARCHER! BITIWAN MO AKO! WHAT THE HECK ARE YOU DOING?!"
Natawa na lang ako sa hitsura ni Elora habang tinatahak namin ang itaas ng puno. My feet scrapped the bark of the giant tree and the wind swept against her scared face. Ramdam ko ang takot at kaba sa kanya---and I'm enjoying every second of it!
"We're almost there! Kumalma ka lang!" Sigaw ko dahil alam kong hindi niya ako maririnig sa bilis namin. We are literally defying gravity here.
Sinamaan niya ako ng tingin. She looked like she wanted to kick me to Jupiter. "KUMALMA?! YOU FUCKING JERK! PAANO AKO KAKALM---AAAAAAAAHHHH!"
Bakit siya sumisigaw?
Well, nang marating na namin ang tuktok ng puno, I playfully let go of her hand para ayusin ang gusot sa necktie ko. A CRIMSON vampire employee needs to be handsome at all times.
"AAAAAAAAAHHH! ARCHER PAPATAYIN TALAGA KITAAAAA!"
I sighed. "Honey, I'm immortal." Bakit ba nakakalimutan niya iyon? Nang hindi ko na makita si Elora (dahil tuluyan na siyang bumulusok pababa) I leaped down and sped towards her. Natatawa pa rin ako sa hitsura niya.
In a matter of seconds, nasalo ko ang dalaga bago pa man siya lumagapak sa lupa.
Nanginginig siyang nakapikit sa mga kamay ko. Nang maramdaman niyang hawak ko na siya, she immediately wrapped her arms around my neck and cursed me with all the mortal death threats she knew.
"T-Tangina mo! B-Bakit mo ako hinayaang mahulog?! You did that on purpose!" Her breathing still isn't steady. At nang magtama ang mga mata namin, nakakita ako ng pagkakataong makapagsalita.
A charming smile graced my lips, the same smile I used as I introduced myself after getting out of her closet.
"Ms. Elora Francisco, I let you fall for one reason only.."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano naman?"
Mas inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Our breaths mingled. Nakatitig pa rin ako sa dalaga.
"..so that I will be able to catch you, before you get hurt, honey."
Namula ang mga pisngi niya at agad siyang umiwas ng tingin. Naramdaman ko ang pagkalma ng pintig ng puso niya---kahit pa nakatayo pa rin kami, a hundred feet above the ground---at mukhang tumatalab na ang pagpapakalma ko sa kanya.
But the weird thing is,
"Elora?"
"W-What?"
"Bakit biglang bumilis na naman ang pintig ng puso mo? Is there something wrong? May heart problem ka ba?"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at nagpumiglas siya sa hawak ko. She kicked and tried to get out of my arms. Kinakabahan pa rin siya. My vampire senses couldn't be wrong.
"A-Ano ba! Bitiwan mo na nga ako. W-Wala 'to. I-I'm fi------AAAAAAAAHH!"
Tawa ako nang tawa. Sa kakapumiglas niya kasi, nahulog na naman siya. Typical girl. Nakalimutan niya yatang nakatayo pa rin ako sa isang sanga. Nahulog na naman tuloy! Tsk. Inayos kong muli ang necktie ko at pinagpag ang nagusot kong suit. I checked my golden wrist watch and smirked, making computations.
"Ten seconds 'til she hits the ground. Mamaya-maya ko na siya sasaluhin."
*
Nang makababa na kami sa lupa, puro hampas at kurot ang natamo ko kay Elora. She's still mad at what I did, but the consolation is, masasanay siya sa mga ganoong sitwasyon. Calming yourself during a life-threatening situation is one way to control your vampire instincts.
"---Nakakainis ka talaga! I thought I was going to die ealier and--"
Blah. Blah. Blah.
Naririndi na ako sa boses ng mortal na 'to. Hinilot ko ang magkabilang sentido ko at sumulyap sa kanya. "Are you done verbally attacking me, woman?"
"HINDI PA!"
Napabuntong-hininga na lang ako.
Naglakad kami papalapit kay Falcon, na gumawa na pala ng apoy. The campfire's flames contrasted against the dark surroundings. Napatingin sa amin ang bampira at ngumiti, "I thought we'd stay here for the night. Mukhang pagod na rin si Ms. Francisco." Baling niya sa katabi ko na tahimik na tumango.
Kapag kay Falcon, tahimik siya? Psh.
Nagtungo sa tabi ng isang puno ang dalaga. She spared me one last glance before muttering, "Good night.." And layed her back against the soft grass. Nasisinagan ng matamlay na liwanag na nagmumula sa apoy ang kanyang mukha. At ngayon ko lang din napansin na tila pagod nga siya.
Napatitig ako sa kanya.
How could a mortal with a machine-gun mouth look so angelic at the same time? Minsan talaga hindi ko maunawaan ang mundo.
"We need to get to Lady Circe's house as soon as Ms. Francisco wakes up.."
Falcon's voice echoed throughout the stillness. Ramdam ko ang kanyang mga mata sa aking likuran. Napailing na lang ako sa kanyang sinabi.
"Bakit mo ba kami tinutulungan?" Hanggang ngayon, wala pa rin akong tiwala sa motibo ng isang 'to.
"I already told you my reason. I'm bored."
At doon ko na siya nilingon. Akala ba niya maloloko niya ako? I glared at him. "Hindi mo itataya ang trabaho at reputasyon mo sa CRIMSON nang dahil lang sa nababagot ka. I know you so well, Falcon, and it sickens me."
His dark eyes flashed red for a moment. Ilang sandali pa, natawa si Falcon. Nawala na ang panandaliang pula sa kanyang mga mata.
"Hindi ako ang kalaban dito, Archer. I'm an ally. Sabihin na nating may mas mabigat na dahilan kung bakit ko ito ginagawa, and wala akong planong sabihin 'yun ngayon."
Napadako ang mga mata ko sa naglalagablab an apoy sa pagitan namin.
"Playing safe. Tsk."
"You're not the only one with a past. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang rason kung bakit hindi mo nagagawa nang maayos ang trabaho mo sa CRIMSON?"
Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko. I need to fucking calm myself before I lose control. Hindi ako dapat nagpapadala sa mga salita ng gagong 'to.
He knows.
Kung paano niya ito nalaman, hindi ko na alam. Napansin ko ang pagsulyap ni Falcon sa natutulog na babae sa aking gilid. He smirked at me. Hindi ko gusto ang reaksyon niyang iyon. Tila ba nang-aasar siya.
"Stop pretending to hate mortals, Archer. You're not fooling anyone."
---
BINABASA MO ANG
✔The Bloodsucker's Tale
Paranormale"Mr. Vampire, mali ka yata ng nilabasang kabinet." Elora is addicted to Twilight--screw that, adik na adik siya sa mga bampira! She always wanted to be swept off her feet by a handsome vampire with a killer smile, sparkling skin and a hot body. Pang...