Ipinikit ko ang mga mata ko. Hihimatayin yata ako. Huminga ako nang malalim at pilit na inalala ang mga Rules and Regulations ng kompanya. Fortunately, I was able to remember them:
1. Do not kill your kind. (Ang tanging rason kung bakit hindi ko pa sinasakal si Falcon)
2. Never expose vampire existence to mortals.
3. Do not kill humans without permission from the vampire admins. (Sad, but necessary)
4. Wear your black suit and red necktie at all times.
5. Leave a Scriptorium open for more than 2 hours and your salary will be reduced by 20%.At ang pinakamahalaga sa lahat na naaalala kong nakasulat pa sa bold letters,
6. DO NOT DRINK THE FORBIDDEN WINE.
Technically, hindi ako ang uninom. Itong walang utak na taong ito ang unimom ng sagradong inumin na paniguradong magpapasiklab muli ng giyera kapag nalaman ng ibang mga bampira ang tungkol dito. But since I already voilated rules #2 and #5---at dahil kasalanan ko rin naman kung bakit napadpad dito si Elora---masasabi kong kasama na ako sa ipapapatay ng Vampire Committee sa oras na mabalitaan nila ang nangyari. Ang believe me when I tell you that the members of the Vampire Committee aren't rainbows and sunshines.
Sila ang pinakanakakatakot na mga bampirang nabuhay sa mundo at mahigpit sila pag dating sa mga batas ng mga bampira. At kung tama ang pagkakaalala ko, nasa unahan ang batas na "HUWAG MONG IINUMIN O GAGALAWIN ANG FORBIDDEN WINE".
Ang parusa?
Syempre, tumatagingting na kamatayan.
Yup. We're screwed.
"U-Um.. Mr. Vampire, sino sila?"
Napatingin ako sa direksyon ng main entrance. Pumasok na ang ilang gwardiya at ngayon ko lang din napansin ang pagtunog ng alarm. Mukhang alam na ng buong CRIMSON na may nakialam sa Forbidden wine. Tsk! Kinuha ko ang kamay ni Elora at hinila siya sa kabilang bahagi ng silid. We need to get out of here!
Mabilis kaming nagtungo papunta sa kabilang daan. Alam kong sa mga sandaling ito, alam na ng mga gwardiya ang nangyari sa Forbidden wine. Delikado na ang sitwasyon namin ngayon. Mahina akong napamura. Kasalanan 'to ng babaeng ito eh!
"M-Mr. Vampire! I-I can't keep up!"
I mentally kicked myself. Tsk. Archer, she is a human! How on earth can you expect her to keep up with your pace?!
Huminto ako at binuhat siya.
"W-What the----!"
"Shut it, mortal!"
Bahagyang nagulat si Elora sa ginawa ko pero wala na rin naman siyang magawa. Malapit na kaming maabutan ng mga gwardiya na mukhang handa nang pumatay. This is not good. And as I ran at full vampire speed, I felt the girl wrap her arms around my neck, tightening her hold on me.
"STOP!"
"HABULIN NIYO SILA!"
Nang makalabas kami sa main exhibit ng CRIMSON, mabilis kong tinahak ang elevator. Nagulantang ang ibang sakay nito nang pumasok kami. Nakatitig sila sa amin na para bang may ginawa kaming krimeng hindi katanggap-tanggap sa lahi naming mga bampira. Tsk. Totoo naman eh. Ibinaba ko si Elora na ngayon ay pulang-pula ang mukha. Kumunot ang noo ko.
At doon ko lang napagtantong siya pala ang kanina pa pinagtitinginan ng iba pang mga bampira.
Because she's human.
Shit.
May kumalabit sa'kin. Halos manuyo na ang lalamunan ko nang makita ko ang galit at naguguluhang ekspresyon ni Kane, ang supervisor. To say that he looked infuriated, was clearly an understatement. Mukha siyang toro na anumang sandali at manunugod na sa akin. Her red eyes darted from me and Elora. At kung hindi ako nagkakamali, nakalitaw na rin ang mga pangil niya.
Lagot.
"ARCHER, WHAT IS THE MEANING OF THIS?!"
Ting!
Saved by the elevator!
Nang bumukas ang pintuan ng elevator at mabilis kong binuhat si Elora at kumaripas ng takbo bago pa man ako mahila pabalik ni Kane. That dude seriously has some anger issues! Pero habang tumatakas kami sa iba pang mga bampirang humahabol sa amin, hindi ko maiwasang sampalin ang sarili ko sa reyalisasyong mawawalan na ako ng trabaho. Paniguradong itatakwil na ako ng mga kalahi namin! Shit. Ano ba namang kamalasan ang inabot ko?!
"Saan tayo pupunta?!"
I stared at Elora. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita kong gumuhit ang takot at pangamba sa mga mata niya. Lalong humigpit ang kapit niya sa balikat ko. Napahinga ako nang malalim.
I took a left turn.
Kailangang maibalik ko muna siya sa mundo ng mga tao. Mas lalong gugulo ang sitwasyon kung mananatili siya rito.
But just when I thought that I would be freely running around the CRIMSON corridors back to the transport area, a mob of vampire guards blocked our path. Tila ba inaasahan nila na dito kami dadaan. Ramdam ko ang tensyon sa paligid nang makita nila kami.
Mukhang wala na talaga kaming takas.
---
BINABASA MO ANG
✔The Bloodsucker's Tale
Paranormal"Mr. Vampire, mali ka yata ng nilabasang kabinet." Elora is addicted to Twilight--screw that, adik na adik siya sa mga bampira! She always wanted to be swept off her feet by a handsome vampire with a killer smile, sparkling skin and a hot body. Pang...